Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Home tour video ni Kris, nag-viral at trending agad

HINDI kataka-taka na mabilis na nag-viral at nag-trending ang ikatlong bahagi ng Home Tour ni Kris Aquino sa kanyang bahay.

Sa loob ng 24 oras, simula nang in-upload iyon, pinag-usapan na.

Sa Part 3 ng Home Tour, ipinakita ng Queen of Social Media and Internet World ang hapag kainan na roon ginagawa ni Bimby, bunsong anak niya ang kanyang lunch break pagkagaling sa school.

Ipinakita naman ni Bimby ang malaki nilang refrigerator na nakatutuwang sinabi nitong doon niya gustong mag-stay kapag ayaw ng kanyang ina na buksan ang kanilang aircon. Na siyempre, ikinaloka iyon ni Kris.

Pero si Bimby din ang nag-explain kung bakit ganoon, ”because you’re anemic and your medicine.”

Kahanga-hanga rin ang collection ng mugs ni Kris na ang favorite pala niya ay ang Royal Albert.

For sure marami ang naka-relate kay Kris nang ipakita niya ang napakaganda niyang kitchen. Iyon ang pinaka-paborito kong lugar sa bahay niya dahil mahilig din akong magluto.



Ang nakatutuwa, mas mahilig na pala ngayong magluto si Bimby kaysa kanyang ina. At nagliligpit din si Bimby, katuwa.

Hindi na madalas nagluluto on cam si Kris dahil aniya, may isang malaking sorpresa si Kris sa 2018. Kung ano iyon, ‘yun ang ating aabangan.

Aminado naman si Tetay na talagang ginastusan niya ang kanyang kitchen. ”Feeling ko, ‘yung kitchen ang pinaka-center ng house,” sambit niya. ”Rito ko nai-express ang love ko for them.”

Rose quartz ang ginamit ni Kris sa kanyang kitchen at hindi niya alintana kung mahal man iyon.

Ipinakita rin ni Kris ang kanyang bathroom at makikita roon ang napakaraming iba’t ibang klase ng produktong pampaganda. Sabi nga ni Bimby, katulad iyon ng mga kung ano ang nakikita sa Mercury Drug.

Sa kabuuan, talagang hahangaan mo ang napakaganda at malaking tahanan ni Kris.

Kaya hindi rin ako magtataka kung marami rin ang gumaya sa hitsura ng bahay niya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …