LUMAKAS ang tropical storm Vinta nitong Huwebes ng hapon at nagbabanta sa Caraga area, ayon sa state weather bureau PAGASA.
Ayon sa PAGASA sa 5:00 pm bulletin, ang sentro ng bagyo ay nasa 200 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur dakong 4:00 ng hapon.
Ang bagyong Vinta ay may lakas ng hangin hanggang 80 kph malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 110 kph.
Patuloy na kumikilos patu-ngong kanluran sa bilis na 21 kph, ang bagyo ay tinatayang babagsak sa Surigao del Sur dakong Huwebes ng gabi o nga-yong umaga ng Biyernes.
Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Central Visayas, Eastern Visayas, Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula sa su-sunod na 24 oras.
Itinaas ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 2 sa sumusunod na erya: Surigao del Norte kabilang ang Siargao Islands, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Northern Davao Oriental, Compostela Valley, Davao del Norte, Bukidnon, Misamis Oriental, Camiguin, Lanao del Norte, at Lanao del Sur,
Samantala, itinaas sa TCWS No. 1 ang mga erya ng Southern Leyte, southern portion ng Leyte, Southern Cebu, Siquijor, Bohol, Southern Negros Occidental, Southern Negros Oriental, Dinagat Island, Misamis Occidental, North Cotabato, Maguindanao, ilang bahagi ng Davao Oriental, Northern Davao del Sur, Compostela Valley, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, at Zamboanga del Norte.