Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, bukod tanging mataas ang engagement

TO date, ang Instagram followers niya ay umabot na sa 3.2-M. Ang Facebook followers naman niya ay 1-M na, at ang Twitter ay 1.4-M followers.

Ang Youtube naman niya ay mayroon lamang 70,000 dahil bago pa ito sa aktres/TV host.

“Si IG talaga ang basehan namin kasi nagmi-mirror lang ito kay FB, kay Youtube,” sambit ni Jack Salvador, isa sa staff ni Kris nang makasalubong namin minsan. “Ang reliable namin si IG. Nagu­gulat kami roon, kasi bigla-bigla may post na si Madam (Kris),”  tugon pa nito.

Ani­y­a pa, si Kris, ang bukod-tanging may 3.2 followers na ang engagement ay mataas dahil siya mismo ang nagre-reply sa mga ito. ”At saka ‘yung IG niya siya talaga ang may hawak,” kuwento pa ni Jack.

Kaya naman hindi kataka-taka na nang magpunta ang dating tinaguriang Queen of All Media sa Google/Youtube Singapore ay ganoon na lamang ang ginawang pagpapahalaga at pagsalubong sa kanya.

Napag-alaman naming pagdating ng kampo ni Kris doon ay puro videos nito ang nakalagay. ”‘Yung buong mall nila puro videos ni Ma­dam kasi natutuwa sa kanya si Google at Youtube,” ani Jack.

“Then on the following day nagpunta naman kami sa Facebook and Instagram at ganoon din, iba rin ‘yung engagement niya.”

Naiiba si Kris sa may maraming followers pero mababa ang engagement. Si Kris, mataas na ang bilang ng followers at mataas rin ang engagement.

SHOWBIZ KONEK
ni Marcirs Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …