Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 holdaper todas sa shootout sa Tondo

PATAY ang dalawang lalaki nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis makaraan holdapin ang isang ginang sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Jay Dimaandal, hepe ng Manila Police District – Station 1, kinilala ang isa sa mga suspek na si Nestor de Vera.

Sinabi ni Dimaandal, nagkasa ng follow-up operation ang pulisya makaraan dumulog ang biktima pasado 1:00 ng madaling araw.

Nakita sa CCTV footage na nilapitan ang biktima ng tatlong lalaking sakay ng isang motorsiklo.



Pagkaraan, tinutukan ng baril ng isang holdaper ang babae habang kinuha ng isa pang suspek ang pera ang biktima.

Natunton ng mga pulis sa Solis St., ang mga holdaper kaya nagkaroon ng palitan ng putok na ikinamatay ng dalawang suspek.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

Las Piñas Cebu Sinulog April Aguilar

Stranded na Sinulog participants sa Cebu nakabalik nang ligtas at maayos sa Las Piñas

NAKABALIK na sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataang Las Piñeros na na-stranded sa Cebu matapos …

DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro …

Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o …

Ping Lacson Bato Dela Rosa

Pagpataw ng parusa sa absenerong senador deadma kay Lacson

WALANG BALAK si Senador Panfilo “Ping” Lacson na makiisa o makisama sa mga taong nais …