NAGBALIK ang young actor na Nash Aguas sa pangangalaga ng award winning director na si Maryo J. delos Reyes. Ang bagets na actor ay co-managed ni Direk Maryo with Star Magic. Ayon kay Nash, dati pa siyang co-manage ni Direk Maryo at ng Star Magic.
Pahayag niya, “Actually noong bata pa lang po ako, na-co-manage na ako ni Direk Maryo, pero since nag-stop po ako kaya nagkaroon lang ng gap. Pero ngayon ay sobrang happy ako dahil nagbalik na ulit ako.”
Sinabi rin ni Nash kung gaano siya ka-grateful kay direk Maryo. “Sobrang nakatutuwa, kasi ever since noong bata ako, siya na po ‘yung director na nagtiwala sa akin sa kakayahan ko at talagang tinulungan niya po ako. Ang dami niya pong naituro sa akin, tapos ‘yung mga pelikula po, gaya ng Kamoteng Kahoy, kumbaga sobrang ginagabayan niya po ko as an actor. And parang tatay ko na rin po si direk Maryo.”
Sa ngayon, si Nash ay sasabak na rin sa pagiging director. Ayon sa young actor, isang sitcom ito na parang Friends and How I Met Your Mother.
“Tampok po rito sina Igi boy Flores, comedy po kasi siya, sitcom siya. So, nandiyan din si Mr. John Manalo. Mapapanood po siya sa iwant TV very soon, pero sa ngayon ay confidential pa po muna,” nakangiting saad ni Nash.
Paano ka napasok sa pagiging direktor? “Kasi po, bata pa lang ako, kumbaga nandito na ako sa industriyang ito. So parang in a way kumbaga, kahit ‘di ko napapansin ay natututo ako. At kumbaga, sabi ko sa sarili ko, alangan namang lumihis pa ako ng landas, doon na lang din ako sa system na ito, since nandoon na ako and magagamit ko pa lahat ng natutuhan ko.”
Ano ang preparations mo sa pagdidirek?
“Ang preparations ko po sa pagdidirek, kasi po nag-aaral ako ng AB Film, so kumbaga and ever since kasi bata ako, lagi akong nasa system. Kahit noong mga 8 years old pa lang ako, nasa system ako.
“Sasabihan ako ni direk Maryo niyan, ako minsan ‘yung nagte-technical director. So marami akong tanong. So ever since, curious na ako. So ‘yung paghahanda, feeling ko nandoon lagi iyon e. Iyong kumbaga… iyong buong buhay ko as an artista, parang paghahanda na rin siya rito po.”
Si Nash ay napapanood sa seryeng The Good Son sa ABS CBN na tinatampukan din nina Eula Valdez, Jerome Ponce, Joshua Garcia, Mylene Dizon, Elisse Joson, McCoy de Leon, at iba pa.
PAUL SY, WISH
NA BUMALIK NA
SI JOHN LLOYD CRUZ
SA HOME SWEETIE HOME
ISA ang komedyanteng si Paul Sy sa mga naghihintay sa pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa kanilang sitcom na Home Sweetie Home. Ang naturang sitcom ay tinatampukan nina Lloydie at Toni Gonzaga.
“Wish ko po na maibalik kami na regular basis na talaga tulad nang dati at siyempre, ay wish din namin iyon na makabalik na sa Home Sweetie Home si Lloydie.
“Pero kung ano man ang maging desisyon ni Lloydie, siyempre po ay suportado naman namin iyon at nauunawaan namin siya. If anoman ang maging desisyon niya ay nirerespeto namin siya at deserve niya po talaga iyon na maging happy,” pahayag ni Paul na gumaganap bilang janitor sa opisina kung saan nagtatrabaho si Lloydie.
Sinabi rin niyang nami-miss na nila si John Lloyd.
“Oo naman, miss na natin talaga si Lloydie. Kung silang viewers ay nami-miss nilang makita sa TV si John Lloyd, ano pa kaya kami na nakakasama namin siya sa hapag kainan. Hindi po ba?
“Kahit si Ellen (Adarna), miss na rin po namin siya.”
Anyway, si Paul ay isa sa cast ng advocacy film na Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na pinagbibidahan ng actor/politician na si Alfred Vargas. Very soon ay iikot na ang naturang pelikula sa mga paaralan sa buong bansa.
Mula sa direksiyon ni Perry Escaño, tampok din sa pelikula sina Mon Confiado, James Blanco, Miggs Cuaderno, Marc Justine Alvarez, Lou Veloso, Micko Laurente, Loren Burgos, Kiko Matos, Ernie Garcia, Tori Garcia, at iba pa.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio