NANINDIGAN ang Palasyo, hindi magdedeklara ng ceasefire ang pamahalaan sa New People’s Army (NPA) ngayong Kapaskuhan.
“Our defenders would not stand down as there has been call on the other side to launch offensives against state forces,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Markado aniya ang NPA na lumalabag sa tigil-putukan at naglulunsad pa rin nang pag-atake laban sa mga militar na ikinamatay ng mga sundalo.
Giit ni Roque, hindi nagsisilbi sa interes ng bansa ang pagsuspende ng operasyong militar dahil ilalantad lamang ang mga awtoridad sa panganib at nagsisilbing pain para atakehin ng mga rebeldeng komunista lalo na’t ipagdiriwang ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang kanilang anibersaryo sa 26 Disyembre.
Sa kabila nito’y hindi inaalis ni Roque ang posibilidad na may mga kaganapan na magbibi-gay-daan na irekonsidera ng gobyernong Duterte ang kasalukuyan nitong posisyon.
Nauna nang inihayag ng Department of National Defense na hindi irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng Christmas ceasefire bunsod ng direktiba ng liderato ng NPA na paigtingin ang operasyon laban sa mga tropa ng pamahalaan.
Matatandaan, idineklara ni Pangulong Duterte sa proklamas-yon na ang CPP-NPA ay teroristang grupo, na karanggo ng ISIS-inspired Maute Group, Abu Sayyaf Group (ASG), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at iba pang terror group sa Minda-nao.
(ROSE NOVENARIO)