Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Tulong ni female personality, ikinaloka ng kaibigan

MAHIRAP paniwalaan ang tsikang ito lalo’t ang pangunahing sangkot dito’y isang sikat na female personality. With fame comes wealth sa kaso ng bida sa kuwentong ito.

“Minsan kasi siyang nilapitan ng isang taga-showbiz tungkol sa problemang pinansiyal. Nagkataon kasi na kulang ang hawak niyang cash para mailabas niya ang isang mahal sa buhay sa ospital. Naka-raise na siya ng 5K, bale ang kulang na lang, eh, 10 puk para ma-discharge na nga sa pagamutan ‘yung someone very dear sa kanya,” mahabang pasakalye ng aming source.

Dahil gipit na gipit na’y wala nang maisip ‘yung taga-showbiz na ibang tao para hingan ng tulong, “So, kinontak nga niya ‘yung female personality. Sinabi nga niya na kulang pa ng 5 puk ‘yung ibabayad niya sa ospital.”

Laking tuwa niyong taga-showbiz na pinapupunta siya niyong female personality sa set ng ginagawa niyang pelikula, “Hitsurang malayo at nasa liblib na lugar ‘yung set, eh, gora ‘yung taga-showbiz. Kung wala ka rin lang sasakyan, eh, mahihirapan kang marating ang lugar na ‘yon. Pero dahil nga a matter of life and death ‘yung sitwasyon, natunton  ng taga-shobiz ang pinagsusyutingan niyong sikat na personalidad. Eto na, iniabot na niyong female personality ‘yung tulong niya. Nang buksan na  ng taga-showbiz habang papauwi na siya, shocked ang byuti niya….one puk as in one puk lang ang laman ng sobre!”

Da who ang sikat na female personality na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Kristel Kimono.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …