Monday , November 18 2024

Mocha, tigilan muna ang pagbanat (Kaalaman sa batas, ‘di nasusukat sa rami ng pahinang nababasa)

KILALANG malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Tulfo Brothers.

Kasamahan namin ang isa sa kanila, si Kuya Raffy sa Radyo Singko, na ang programang Wanted Sa Radyo ay pre-programming ng Cristy Ferminute.

Pero hindi ibig sabihin na porke close ang mga magkakapatid na Tulfo sa Pangulo ay hindi nila ito nakakanti paminsan-minsan, lalo pa kaya ang mga taong itinalaga nito?

Isa si PCOO ASec Mocha Uson sa mga pinitik ni Kuya Raffy sa kanyang programa kasama si Nina Taduran, ang tinaguriang Public Service Lady. Pero nagpauna na ang hard-hitting brodkaster, kaibigan niya si Mocha pero dapat ay hindi ito nasasangkot sa pagpapalaganap ng fake news sa social media.

Our take this time.

Ilang pagkakataon nang “nakoryente” si Mocha for spreading fake news. How ironic dahil sa PCOO pa mandin siya ipinuwesto, ang ahensiyang inaasahang magtatawid ng tamang impormasyon sa publiko tungkol sa mga kaganapan sa ating kapaligiran.

Bago sana bumanat nang bumanat si Mocha sa kapo-post ng mga kung ano-anong balita ay mahalaga—and it’s only expected of her na i-double check o beripikahin niya ang facts.

Lumalabas kasi na naniniwala lang siya sa hearsay o sabi-sabi.

Kung sinasabing little knowledge is dangerous, para sa amin ay mas delikado ang pagpapakalat ng maling impormasyon.

Kung bakit naman kasi mas inuna pa ni Mocha na mag-enrol sa kursong abogasya gayong ang mas dapat niyang pag-ibayuhin ay kaalaman sa pamamahayag.

Haist!

 

KAALAMAN SA BATAS,
‘DI NASUSUKAT
SA RAMI NG PAHINANG
NABABASA

OO na, alam na ng buong mundo na kumukuha o kukuha pa lang ang naka-enrol na sa kursong Law na si PCOO Asec Mocha Uson.

Earlier, naisulat namin dito sa Hataw na mas inuna sanang kunin ni Mocha ang kursong Journalism lalo’t nasa linya siya ng komunikasyon. Malaki ang maitutulong ng pamamahayag para lalong malinang ang kanyang kakayahan lalo pa’t “sumikat” nga siya sa pagpapalaganap ng fake news sa social media.

Kung bakit Law ang napagtripan niyang kunin, duda tuloy ng marami’y paghahanda ito sa kanyang ilusyong tumakbo sa Senado sa 2019 mid-term elections. Alam ng lahat na puro mga abogado de campanilla ang makakasama ni Mocha sa nasabing institusyon, ‘yun ay kung palarin nga siya.

Since alam na nga ng sambayanan that she’s enroled at a Law school, sana’y doon na lang nagtapos ang usapin. Para ipagbanduhan pa ni Mocha sa social media ang hawak niyang law book na kalahati na niyon ay nabasa na niya, para sa amin ay isang malaking kaipokritahan.

Hindi sa rami ng mga kabanata o pahina na nabasa na niya nasusukat ang kaalaman niya sa batas. Na-digest kaya niya ang nabasa niya?

We all know na ang anumang batas ay nagtataglay ng maraming interpretasyon. Hindi nga ba’t ito ang karaniwang pinagtatalunan ng mga abogado?

It’s enough that the public is aware na kumukuha o kukuha si Mocha ng kursong abogasya, no need para ipagyabang niya ang binabasa niyang libro tungkol sa batas.

Alam natin na hindi isang deal interviewer si Mocha sa halos lahat ng mga nilabasan niyang panayam sa TV. Mahina siyang sumagot, kundi man mabagal ang pick-up niya.

Sa ginagawa pa nga niyang pagyayabang sa social media, too much is expected of her. Mapu-frustrate lang ang publiko sa kanya kung butata naman ang nasa pagitan ng kanyang dalawang tenga, pero halos nguyain na niya ang mga pahina ng libro.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *