POSIBLENG maharap sa kasong technical malversation sina dating Health secretary Janette Garin at dating Budget secretary Florencio Abad bunsod ng pagkakasangkot sa P3.5 bilyon pagbili ng Dengvaxia vaccine, ayon kay Senador JV Ejercito, nitong Linggo.
Ayon kay Ejercito, ang nasabing halaga na ginamit sa vaccination program ay hindi bahagi ng General Appropriations Act for 2015.
Nabatid din sa gina-nap na joint hearing ng Senate blue ribbon at health committees nitong Huwebes, na ang pondo para sa vaccination program ay mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) at Pension Gratuity Fund (PGF) sa-vings.
“Hindi ako abogado pero sa aking pagkakaalam, ang lahat nang dapat pagkakagastusan o lahat ng programa ng ating pamahalaan, dapat merong appropriations na galing sa Kongreso. At dito, malinaw na malinaw na wala ang purchase of dengue vaccine,” ayon kay Ejercito said in the interview.
“Ang sinasabi ay noong panahon na ‘yon wala pa ang approval at hindi pa sila sigurado kung puwede na ang dengue vaccine. So noong nagkaroon ng go signal e saka sila nag-purchase. Pero sa akin, kahit saan mo tingnan, ‘yan ay technical malversation kasi nga walang approval ng Kongreso, walang appropriations ang pagbili ng P3.5-billion worth of dengue vaccine,” dagdag niya.
Sa ilalim ng Revised Penal Code, ang technical malversation ay isinasampa sa public officials kapag ginamit ang public funds sa ibang layunin na hindi ayon sa orihinal na pinaglaanan nito, alinsunod sa batas.
Sinabi ni Ejercito, ang mga may pananagutan sa technical malversation ay “all the signatories” sa procurement kabilang si Abad, na pinuno ng kawanihan na nagpondo sa proyekto, at si Garin, na pinuno ng kagawaran na siyang umakto bilang procurement agency.
Aniya, si dating Pa-ngulong Benigno Aquino Jr., ay maaari rin panagutin bunsod ng pagkabi-gong ipatupad ang “pro-per command responsibility.”
“Sa tingin ko, kung titingnan mo ‘yong command responsibility, baka may liability siya. Maybe negligence lang dahil kinakailangan niyan, due diligence,” aniya.
“Kumbaga, ang mas mabigat na may sala ay iyong mga underlings, i-yong secretaries dahil sila dapat ang nagsagawa ng due diligence,” dagdag niya. Gayonman, sinabi ni Ejercito, nakikita niyang ang pag-apura ng admi-nistrasyong Aquino sa pagbili ng dengue vaccine ay “in good faith.”
“Ang suspicion ko, base sa kaniyang paglalahad, mukhang in good faith, meaning na talagang gusto niya sigurong maano, dahil nga siguro ‘yung picture na [nakikita] ay ‘yung dengue ay talagang nakatatakot. So kinakailangan kumilos agad. So on that sense, in good faith, kaya ko sinabi,” dagdag ng senador.