PABOR Si Pangulong Rodrigo Duterte sa same-sex marriage.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Dutere sa pagtitipon ng lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT) sa Davao City kahapon.
“Ako gusto ko same-sex marriage, ang problema, we’ll have to change the law. Ang batas kasi marriage is a union between a man and a woman. I don’t have a problem making it… marrying a man, marrying a wo-man or whatever is the predilection of the human being,” ani Pangulong Duterte.
“I am for same-sex marriage. If that is the trend of the modern times, if that will add to your happiness, who am I? You know, kung ano ‘yung kaligayan ng tao bakit mo pigilan? Why impose a morality that is no longer working? So I am with you,” ani Pangulong Duterte.
Tiniyak ng Pangulo, walang mararanasang pang-aapi sa ano mang sektor sa lipunang Filipino sa panahon ng kanyang administrasyon.
“I have never oppressed anybody because of race, religion. Talagang I just govern by the rule of fair play, equality. Hanggang diyan lang ako,” dagdag niya.
“Ayaw ko kasi, ang dalawang brother-in-law ko… bakla. Ako noong high school ko, ‘di ko alam kung panlalaki ako o pambabae. Parang gusto ko maging lalaki, gusto ko maging babae, kaya lang sa Philippine Women’s maraming maganda doon kaya ako na-tempt,” sabi ng Pangulo.
(ROSE NOVENARIO)