BAHAGYANG lumakas ang tropical storm Urduja at inaasahang mag-landfall sa Eastern Samar ngayong Biyernes, ayon sa state weather bureau PAGASA, kahapon.
Sa 5:00 am bulletin, sinabi ng PAGASA, ang bagyong Urduja ay may taglay na lakas ng hangin hanggang 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 90 kilometro kada oras.
Ang bagyo ay huling namataan sa 85 kms ng east southeast ng Guiuan, Eastern Samar.
Bunsod nito, itinaas sa signal no. 2 ang Eas-tern Samar, at Biliran.
Habang itinaas sa signal no. 1 ang Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Romblon, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu kabilang ang Bantayan Island, Capiz, Aklan, at Northern Iloilo.
Habang inaasahan ang malawak na buhos ng ulan sa Visayas at mga rehiyon ng Bicol, Caraga, at Nor-thern Mindanao sa loob ng 24-oras, ayon sa PAGASA.
Tinatayang ang bag-yong Urduja ay hihina patungo sa low pressure area pagsapit ng Lunes habang binabagtas ang Masbate area.
Pinayohan ng PAGASA ang mga mangi-ngisda at may maliliit na bangka na huwag munang pumalaot sa eastern seaboard ng Bicol Region at seaboard ng Visayas bunsod ng malakas na alon.