Friday , May 16 2025
Stab saksak dead

Empleyado ng Las Piñas City hall patay sa vendor (Sa clearing operation)

PATAY ang isang 60-anyos empleyado ng Las Piñas City Hall makaraan pagsasaksakin ng vendor nang paalisin ang paninda dahil nakaaabala sa kalsada sa clearing ope-ration sa lungsod, kahapon ng umaga.

Hindi umabot nang buhay sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Benjamin Lopez y Dela Cruz, Jr., tinamaan ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Habang arestado ang suspek na si Jenie Ermac Talisic, 30, fruit and vegetable vendor, residente sa Block 2, Lot 8, Apricot Street, Sihanoc Village, Brgy. Talon 4 ng lungsod.

Sa report kay Las Piñas City Police chief, Senior Supt. Marion Balong-long, nangyari ang insidente malapit sa Philippine Merchant Marine School (PMMS) sa Talon 4.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng clearing o-peration ang mga tauhan ng Traffic Anti-Vendor, kabilang ang biktima, sa kahabaan ng San Antonio Valley Road dahil sa nakahambalang na mga paninda ng mga vendor sa kalsada.

Pinaaalis ng biktima ang mga paninda ng suspek na humantong sa kanilang pagtatalo hanggang  pagsasaksakin ni Talisic si Lopez.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Matansero timbog sa P136-k shabu sa Calamba Laguna

Matansero timbog sa P136-k shabu

CAMP BGEN PACIANO RIZAL – TIMBOG ang isang matansero nang mahulihan ng P136,000 halaga ng …

cal 38 revolver gun Shabu Drugs

Pulis tinangkang barilin tulak arestado

ARESTADO ang isang kilalang personalidad sa ilegal na droga nang tangkaing barilin ang mga nagrespondeng …

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Arrest Shabu

Tandem sa ilegal na droga
KOREAN AT CHINESE NATIONALS NASAKOTE

DALAWANG dayuhan na itinuturing na high-value individuals (HVIs) ang naaresto sa ikinasang anti-illegal drug operation …

Daniel Fernando Alexis Castro

Wagi sa landslide victory  
FERNANDO, CASTRO NAIPROKLAMA NA

OPISYAL nang iprinoklama sina kasalukuyang Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis C. Castro …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *