“I feel very positive about the project. I’m certain that we have a winner in Meant To Beh.” Ito ang giit ni Vic Sotto sa pelikula nila ni Dawn Zulueta, ang Meant To Beh na handog ng OctoArts, APT, at M-Zet na idinirehe ni Chris Martinez at entry nila sa Metro Manila Film Festival 2017.
Positibo si Vic sa kanilang entry na mapapanood na sa December 25 dahil maraming bago at ngayon lang mapapanood ng viewers. ”Ït’s my maiden silver screen team-up with Dawn, my first movie under the helm of Direk Chris and it’s also my first MMFF entry in recent years which does not border on the fantasy-comedy-action genre. It’s very exciting!”
Oo nga naman dahil 2003 pa sinimulan ni Vic na gumawa ng mga pelikula para sa MMFF na talaga namang tumabo sa takilya tulad ng Lastikman, Fantastic Man, at ang Enteng Kabisote series.
Bagamat wala ang mga nakasanayan nang napapanood sa pelikula ni Vic, tiwala ang magaling na komedyante na tatangkilikin pa rin ang kanyang bagong handog na pelikula.
“I think ang freshness ng materyales ay isa sa matibay na pag-come-on. Excited akong gumawa ng ganitong klase ng genre. It’s a welcome thing for me: a family movie sans the fantasy and special effects. It’’s a breather. Ito ang perfect movie para sa mga pamilyang Pinoy na manonood sa Kapaskuhan.”
Giit pa ni Vic, ”Nang kino-conceptualize namin itong project na ito, tiniyak naming may bago kaming maibabahagi sa viewers. Hindi ‘yung napanood na nila sa mga MMFF entry ko. Ilang brainstorm ang ginawa namin nina Direk Chris at maligaya ako at proud na nakabuo kami ng ganito. For sure, makare-relate ang viewers sa mga karakter sa istorya.
“Ipakikita namin ang mga conflict na nangyayari sa isang pamilya, tulad ng relasyon ng mag-asawa na nakakaramdan na sila na na-outgrown ang isa’t isa matapos ang matagal nilang pagsasama. Ipakikita rin kung paano naha-handle ng parents ang mga pagsubok at difficulties na hinaharap ng kanilang mga anak, at ‘yung kung paano matutulungan ng mga anak na magkabalikan ang kanilang mga magulang. It’s really a heart-warming story that the public will love!”
Bukod kina Vic at Dawn, kasama rin sa pelikula sina Daniel Matsunaga, Andrea Torres, Sur Ramirez at marami pang iba.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio