Saturday , November 23 2024

Paulo Avelino sa pag- audition sa Ang Larawan: Maganda ‘yung trinabaho mo, pinili ka hindi dahil sikat ka o anuman

HINDI ikinaila ni Paulo Avelino na nag-audition siya para sa role ni Tony Javier, isang heartthrob at isa sa importanteng role sa Ang Larawan. Ito ay base sa A Portrait of the Artist as a Filipino ni Nick Joaquin na isinalin sa Tagalog at isinulat ang libretto ni Rolando Tinio.

Ani Paulo, ”Nag-audition ako. Maganda kasi ‘yung makakapasok ka sa pelikula dahil trinabaho mo, dahil pinili ka, hindi dahil sikat ka o anuman.”

Iba kasi ang nararandamang katuparan ni Paulo kapag sumasailalim sa audition.

“’Pag nag-a-audition ka, parang nagiging grounded ka, eh. It humbles you. Parang paalala rin sa sarili mo na, ‘Uy, aktor at huwag kang umastang kung sino.’

“Kasi you have to start again. Kapag nagsisimula ka ulit sa baba at parang hindi ka sigurado kung makukuha ka o hindi, parang maraming realization, na dapat hindi ka makampante kasi marami ring magagaling,” anang actor.

Hindi rin itinanggi ni Paulo na nahirapan siya sa kanyang role.

“Nahirapan ako sa singing part. Kasi si Ms. Celeste (Legaspi) masyadong perfectionist. Nakatutok siya sa akin, so kapag may mag-off lang ng kaunti sa key, ulit na naman.

“Pero naiintindihan ko kung sinisita ako. Hindi ako nao-offend. Celeste Legaspi ‘yon at alam niya ang ginagawa niya. May tenga siya for that and siyempre, bilang baguhan, nakikinig ka sa mas nakaaalam.

“Kasi hindi ito ‘yung pagkanta na parang favorite mong kanta puwede mong kantahin o kung saan ka magaling. Ito kasi, theatrical, napakaraming rehearsals, napakaraming trainings,” lahad pa ng aktor.

At bagamat nahirapan, masaya si Paulo na napasama sa Ang Larawan.

“It’s an honor to be here and to work with such big and great names,” giit ni Paulo. ”Bihirang makabuo ng ganitong kalaking cast. It’s an all-star cast. It’s a nice mix and I couldn’t believe na kayang bumuo ng cast for a film,” paliwanag pa ni Paulo.

Ang Larawan ay Graded A ng Cinema Evaluation Board at entry ng Culturtain Musicat Productions sa 2017 Metro Manila Film Festival na mapapanood sa December 25.

Finalist ang Ang Larawan sa Asian Future Prize Award sa 30th Tokyo International Film Festival at Opening Film sa 2017 Cinematografo International Film Festival sa San Francisco.

Bukod kay Paulo, kasama rin dito ang magagaling na mang-aawit, actor, at gumaganap sa teatro na sina Joanna Ampil, Rachel Alejandro, Nonie Buencamino, Menchu Lauchengco-Yulo, Robert Arevalo, Celeste Legaspi, Sandino Martin, Cris Villonco, at Aicelle Santos. With special participation nina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Bernardo Bernardo, Jaime Fabregas, Dulce, Nanette Inventor, Rayver Cruz, Cara Manglapus, Jojit Lorenzo, at Leo Rialp.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *