Wednesday , May 14 2025

Martial law extented sa Disyembre 2018 (Digong nagpasalamat sa Kongreso)

NAGPASALAMAT si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa pagpayag sa kanyang hirit na palawigin ang martial law sa Mindanao hanggang Disyembre 2018.

“I would like to thank Congress for understanding the plight of Filipinos… Mahirapan talaga ako ‘pag walang martial law sa Mindanao,” aniya sa talumpati sa Fort Bonifacio kagabi.

Ang pasya ni Duterte ay batay sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) bunsod umano nang pagtaas ng insidente ng karahasan na kagagawan ng New People’s Army at iba pang terrorist groups at kailangan pa rin ang martial law sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Aminado ang militar na lumakas ang puwersa ng NPA dahil sinamantala ang peace talks at pagtutok ng AFP sa krisis sa Marawi.

Unang pinalawig ang batas militar noong Setyembre.

ni ROSE NOVENARIO

CPP-NPA HINDI
REBOLUSYONARYO
— DUTERTE

WALA aniyang ginawa ang mga rebeldeng komunista kundi mag-recruit ng mga miyembro para mamatay sa isinusulong nilang armadong pakikibaka para pabagsakin ang gobyerno.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panayam kagabi sa Fort Bonifacio, Taguig City, walang ginawang maganda ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kaya hindi sila puwedeng tawaging rebolusyonaryo.

Giit ng Pangulo, ang ginagawa aniya ng mga rebeldeng komunista ay walang patumanggang pagpatay sa kapwa tao o kaya’y bigyan ng problema ang mga mamamayan.

Kinuwestiyon ng Pangulo ang inilalakong pagbabago ng CPP-NPA na nakatuntong aniya sa pagpatay ng kapwa tao.

Ang pagbatikos muli ng Pangulo sa CPP-NPA ay kaugnay sa posibilidad na magdeklara ng holiday truce sa mga rebelde na karaniwang idinedeklara taon-taon.

  (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *