Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zark’s Burgers-LPU hahataw sa D-League

SABIK na si reigning NCAA Most Valuable Player, (MVP) Jaymar “CJ” Perez na maglaro  sa mas malakas na liga matapos magkombayn ang Zarks Burgers at Lyceum of the Philippines para lumahok sa  PBA D-League Aspirants’ Cup sa Enero 18, 2018. 

Ayon kay Perez malaking bagay ang paglaro nila sa D-League dahil mas mag-uumento ang kanilang laro at marami silang matututunan sa nasabing liga. 

“Best opportunity sa amin ito, mas aangat ang laro namin dito,” saad ni Perez kahapon sa naganap na press conference sa Zark’s Burgers sa Taft Avenue, Malate Manila. 

Bukod kay Perez, ang ibang miyembro ng Zark’s Burgers-LPU Jawbreakers ay ang kapwa Pirates na nag-second place sa 93rd NCAA basketball Tournament. 

Sinabi ni head coach Topex Robinson na minabuti na sila-sila lang sa Lyceum ang miyembro ng team upang mas tumatag ang kanilang samahan. 

“What’s important to us is the Chemistry because ‘yung familiarity with each other yun ang goal namin. 

Ibabandera si Perez ng Zark’s kasama sina Camerronian Mike Nzeusseu, Jasper Ayaay at kambal na Jayvee at Jaycee Marcelino.  

(ARABELA PRINCESS DAWA) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …