NANIBAGO kundi man nabahala si Tita Cristy Fermin sa text message na ipinadala sa kanya ni Lolit Solis.
Ire-rephrase namin ang eksaktong mensahe ng talent manager pero more or less ay ganito ang himig nito, ”Kabsat (Ilocano term for kaibigan), ang gusto kong iregalo mo sa akin ngayong Pasko, eh, painting na may matitingkad na bulaklak na isasabit ko sa dingding ng kuwarto ko, para paggising ko, eh, maaliwalas ang mundo ko.”
Ganoon kaseryoso ang text message ni ‘Nay Lolit, bagay na taliwas sa kanyang karaniwang stance o tono.
This much we know, mahilig man si ‘Nay Lolit sa mga bulaklak ay wa niya bet ang red roses. Baka naman sa painting ay type naman niyang mamasdan ang still life. Nakakagaan nga naman ng pakiramdam ang mga halaman most especially mga bulaklak.
Minsan nang nangolekta ng mga mamahaling kuwadro ang talent manager, isa pa nga roon ay naibenta niya ang malaki kay dating Senator Manny Villar.
Ang medyo nakaiintriga lang ay ‘yung lambing ni ‘Nay Lolit sa kung anong imahe ang nakapinta sa canvass.
Anyway, isa po si ‘Nay Lolit sa mga unang nagbigay ng Christmas gift sa inyong lingkod kahit ang huli pa naming pinagsamahan ay sa Startalk more than two years ago.
Manaka-naka rin namin siyang kinukumusta, na ang bilin niya sa tuwing magte-text siya’y alagaan namin ang aming sarili dahil magastos ang magkasakit.
To you, ‘Nay Lolit, alagaan mo rin ang iyong katawan.
MALALAKING STAR
NG KAPUSO NETWORK,
INABANGAN SA GMA
CHRISTMAS PARTY
TULAD NG mga nagdaang taon ay Buena mano uli this year ang GMA sa pag-iimbita para sa kanilang taunang Christmas party para sa entertainment media.
Korean-themed ang pagtitipon na idinaos sa Studio 7 ng GMA Annex. For consistency, ang mga pagkain sa buffet ay Korean din (pasensiya na, pero hindi kami mahilig sa foreign cuisine).
As usual, pinanabikan ng mga dumalong press ang nakasanayan nang raffle. Maayos na sana ang pagsasagawa ng raffle, pero baba’t taas ang momentum nito. Sana’y may progression sa halaga ng cash na ibinabahagi sa mga masuwerteng pangalang nabubunot.
Kapansin-pansin din ang kawalan ng presensiya ng mga malalaking Kapuso star. Pinakamalaki na yatang maituturing na bituin who helped in the raffle draw was Andrea Torres.
Ang mga cash donors ay in-acknowledge na lang ang pangalan. No show sila ng gabing ‘yon.
Naririnig namin ang mga kasamahan sa panulat na hinahanap ang mga ipinagmamalaking big name stars ng estasyon. Nasaan ang isang phenomenal na tambalan, ang “royal couple,” ang isang komedyana, ang isang TV host-actress, ang isang comedian, ang asawa ng isang politiko, at kung sino-sino pang bigating Kapuso star na hindi nagparamdam ng kanilang presence?
But overall, ramdam namin ang pag-uukol ng buong CorpComm ng GMA sa pangunguna ni AVP Ms. Angel Javier ng importansiya sa entertainment media.
Special mention ang staff na si Ms. Marian Domingo na lagi na’y may nakahandang ngiti at mainit na pagbati sa mga kahanay namin.
Dahil masidhi ang network war, for sure, hindi magpapakabog ang ABS-CBN whose media party ay inaabangan din.