Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meet and greet ni Alden sa mga basher, ‘di totoo

WALANG katotohanan na may meet and greet si Alden Richards sa mga basher niya.

Kumakalat kasi  ito sa Twitter World.

Kahit ang mga solid fan ni Alden ay ayaw ding pumayag na gawin ‘yun ng idol nila. Baka i-twist pa ng mga iyon ang sasabihin nito ‘pag hinarap niya.

At saka, bakit naman papatulan pa at bibigyan ng importansiya  ang bashers na ‘yan.

Dapat dedma lang sa kanila at ituring silang hindi nag-i-exist sa mundo.

Block at delete lang naman ang katapat niyan, huh!

ANDREA,
‘DI NAGPA-APEKTO
KAY MARIAN

NAGWAKAS na ang Alyas Robin Hood kaya tinanong si Andrea Torres kung tapos na rin ba ang stress niya sa intriga sa kanila ni Marian Rivera.

“Hindi naman ako na-stress.Okey ako,” buong ningning niyang sagot nang makatsikahan siya sa presscon ng pelikulang Meant To ‘Beh na showing na sa Dec. 25.

Masaya kami sa serye nakin. Parang family ‘yung buong cast,” sambit pa niya.

Sinabi rin ni Andrea na naka-tatlong BF na siya. Ayaw niyang idetalye kung ilan ang taga-showbiz.

Wala siyang lovelife ngayon pero ang hinahanap niya na ‘ka –meant to ‘beh’ ay ‘yung tanggap ng pamilya niya.  Pag isa sa parents niya ang nag-reject ay ’wag na at move-on na. Kailangan ay tanggap ng family at ng mga magulang niya.

Pag mayroon na, ilalabas ko,” pahayag pa niya.

Kailan niya talaga masasabi na ‘Meant To ‘Beh’ ang isang lalaki?

Pag feeling mo kayang i-sacrifice lahat para sa kanya,” pakli niya.

Ano naman ang the height na nagawa niya para sa isang lalaki?

Magpakatanga. Hindi joke lang,” sey niya na tumatawa sabay bawi.

Lahat naman tayo ‘pag na-in love ay wala sa tamang pag-iisip, ‘di ba?,” pahayag pa niya.

Anyway, kasama ni Andrea sa Meant To ‘Beh sina Vic Sotto, Dawn Zulueta, Daniel Matsunaga, Andrea Torres, JC Santos, Sue Ramirez, Thou Reyes, Baste,  Ruru Madrid, at Gabbi Garcia.

Ito ay sa direksiyon ni Chris Martinez under OctoArts, APT, at M-Zet.

MARIS,
AMINADONG
MAG-MU SILA
NI IÑIGO

MU ang tahasang sinabi ni Maris Racal sa estado ng relasyon nila ni Iñigo Pascual. Exclusively dating sila.

Sinabi pa niya sa presscon ng Haunted Forest na si Inigo na lang ang tanungin tungkol sa kanila. Mahirap  ang mag-assume.

Pero gusto ni Maris na kasama si Inigo ‘pag nanood siya ng filmfest entry ng Regal Entertainment Inc..

Kaisa-isang horror movie ang Haunted Forest sa Metro Manila Film Festival. Tampok din sina Jane Onieza, Jameson Blake, at Jon Lucas. Ito ay sa direksiyon ni Ian Lorenos.

Sa Haunted Forest bagong Maris, Jane, Jameson, at Jon ang makikilala ng madlang people.

Rito, hindi lang kayo matatakot at kikiligin, may family values din na ituturo sa atin ‘yung mga character ng film.

Bahagi ng supernatural teen horror na Haunted House ang mga batikang aktor na sina Raymart Santiago at Joey Marquez. Tampok din sina Jerald Napoles, Betong Sumaya, Myrtle Sarrosa, Miho Nishida , Beverly Salviejo, Fiona Yang, at Kelvin Miranda.

Humiyaw! Manginig! Umibig, Matuto. Sa trailer pa lang ay masasabing sadsad  sa takutan ang pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …