Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malalaking star ng kapuso network, inabangan sa GMA christmas party

TULAD NG mga nagdaang taon ay Buena mano uli this year ang GMA sa pag-iimbita para sa kanilang taunang Christmas party para sa entertainment media.

Korean-themed ang pagtitipon na idinaos sa Studio 7 ng GMA Annex. For consistency, ang mga pagkain sa buffet ay Korean din (pasensiya na, pero hindi kami mahilig sa foreign cuisine).

As usual, pinanabikan ng mga dumalong press ang nakasanayan nang raffle. Maayos na sana ang pagsasagawa ng raffle, pero baba’t taas ang momentum nito. Sana’y may progression sa halaga ng cash na ibinabahagi sa mga masuwerteng pangalang nabubunot.

Kapansin-pansin din ang kawalan ng presensiya ng mga malalaking Kapuso star. Pinakamalaki na yatang maituturing na bituin who helped in the raffle draw was Andrea Torres.

Ang mga cash donors ay in-acknowledge na lang ang pangalan. No show sila ng gabing ‘yon.

Naririnig namin ang mga kasamahan sa panulat na hinahanap ang mga ipinagmamalaking big name stars ng estasyon. Nasaan ang isang phenomenal na tambalan, ang “royal couple,” ang isang komedyana, ang isang TV host-actress, ang isang comedian, ang asawa ng isang politiko, at kung sino-sino pang bigating Kapuso star na hindi nagparamdam ng kanilang presence?

But overall, ramdam namin ang pag-uukol ng buong CorpComm ng GMA sa pangunguna ni AVP Ms. Angel Javier ng importansiya sa entertainment media.

Special mention ang staff na si Ms. Marian Domingo na lagi na’y may nakahandang ngiti at mainit na pagbati sa mga kahanay namin.

Dahil masidhi ang network war, for sure, hindi magpapakabog ang ABS-CBN whose media party ay inaabangan din.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …