Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin, bagong Santa Claus ng showbiz

MARAMI ang humahanga kay Coco Martin. Muli kasi niyang binuhay ang mundo ng action sa pamamagitan ng kanyang teleseryeng napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, ang FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN at ang entry niya sa Metro Manila Film Festival 2017, ang Ang Panday na mapapanood na sa December 25.

Halos wala na kasing nagpo-prodyus ng action movies simula noong nagkaroon ng mga pekeng CD. Sino pa ng aba ang magpo-prodyus ng mga pelikulang aksiyon kung bago ipalabas sa mga sinehan ay nauuna pang lumabas sa mga bangketa.

Mabuti at malakas ang loob ni Coco, nilabanan ang mga sindikatong kumokopya ng pelikula. Kung hindi kay Coco, baka wala ng aksiyon-drama sa telebisyon dahil na-invade na ng mga kabaklaang istorya.

Ang iba namang palabas sa TV ay walang kalatoy-latoy na halos simula pa lamang ay alam mo na ang kahihinatnan ng istorya..

Nagbubunyi rin ang mga dating artista na ngayon ay napapanood muli sa pamamagitan ng teleserye ni Coco. Gayundin ang mga stuntman na naging masigla muli ang mga karera.

Dahil dito, si Coco ang itinuturing nilang makabagong Santa Claus. (VIR GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …