Saturday , November 16 2024

P112-M shabu kompiskado sa Parojinogs (Sa Misamis Occidental)

UMAABOT sa 14 kilo ng shabu, P112 milyon ang halaga, ang kinompiska ng Ozamiz City police sa serye ng mga operasyon sa Misamis Occidental, nitong Miyerkoles.

Sinabi ni Chief Inspector Jovie Espenido, Ozamiz City police chief, ang ilegal na droga ay old stocks ng Parojinogs, na ang ilang miyembro ang napatay at inaresto kasunod ng madugong  pre-dawn drug raid na ikinamatay ng 15 katao.

“Lumang supply iyan, pagdating ko sa Ozamiz itinago nila. Ngayon lang inilabas dahil nakita nila, na naghahanap sila ng pera at patay na ‘yung papa nila,” pahayag ni Espenido.

“According sa nakuha naming information up to 86 kilos iyan last year. ‘Yung transaksiyon nila, ‘yung taga-Cebu, magpupunta sa  Ozamiz, sakay lang ng barko. Ganoon din ‘yung taga-Lanao, taga-General Santos,” aniya.

Nauna rito, kinompiska ng local police ang P32 milyon halaga ng shabu mula sa isang Butch Merino, sa hiwalay na anti-illegal drug operations na isinagawa nitong Miyerkoles.

Si Merino ay sinasabing dating driver at bodyguard ng detenidong si Ozamiz Vice Mayor Princess Nova Parojinog.

Sinabi ni Espenido, kinilala ni Merino ang kanyang supplier na sina Melden Rabarez, kalaunan ay inaresto sa entrapment operation kasama ang isang Roselyn Walohan.

Karagdagan pang isang kilo ng shabu at mahigit P27 milyon cash ang kinompiska mula kay Rabarez.

Ayon kay Espenido, ang kinompiskang shabu ay pipik-apin sana ng distributor sa Lanao.

“Ang nakuha natin ay bago magtransaksiyon sa taga-Lanao. May taga-Lanao na pupunta sa Ozamiz para sa meet up, kukunin ‘yung shabu. Hindi na nakarating doon dahil na tip natin, nakuhaan natin ng baril ‘yung naaresto,” aniya.

Sinabi ni Chief Inspector Cipriano Bazar Jr., acting head ng Regional Tactical Operations Center, nagsagawa ang Ozamiz City police nang sabay-sabay na pagsisilbi ng search warrant nitong Miyerkoles ng gabi, nagresulta sa pagkakadakip kina Melodin Malingin at Gaudencio Malingin, mga supporter ng Parojinogs.

Habang nakalalaya pa ang iba pang mga suspek na sina Maychell Parojinog Gumapac, Manuelito Francisco, Rizalino Francisco, June Francisco, Ricardo Parojinog, at Christopher Parojinog.

Umaabot sa walong kilo ng shabu ang nakompiska sa bahay ng Malingins habang dalawang kilo ang nakuha sa bahay ni Gumapac.

Habang sa bahay ng mga Francisco ay may nakuhang isang M4 Boost Master, tatlong short M16 magazine, isang bando++ler, 90 piraso ng live ammunition ng M16, dalawang rifle grenade launchers, tatlong live ammunition ng M203 at 20 empty cartridges of M16.

Samantala, may narekober sa bahay ng Parojinogs na isang M16 rifle, isang steel short magazine, 19 live ammunition ng 5.56 caliber, at isang hand granade.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *