Sunday , December 22 2024

Nabakunahan ng Dengvaxia babalikan ng DoH

SINISIMULAN na ng Department of Health ang profiling at monitoring sa mga nabigyan ng Dengvaxia, na sinasabing maaaring makasama sa mga taong hindi pa dinadapuan ng dengue.

Kabilang sa nasabing kaso ang 9-anyos anak ng mag-asawang Lobos na binakunahan ng kontra dengue noong 18 Agosto 2017.

Ayon sa mag-asawa, malusog ang bata ng panahong iyon ngunit makalipas ang ilang oras, sumuka na ang bata.

“Mga anim na beses, sumuka siya tapos halos hindi na kami nakatulog dahil panay pahilot sa dibdib niya. Masakit ‘yung tiyan niya,” kuwento ni Yasir Lobos, ama ng bata.

Nagpatuloy umanong sumama ang pakiramdam ng bata nang ilang araw at pabalik-balik din ang lagnat kaya dinala na nila sa ospital.

Makaraan ang ilang araw, bumuti ang pakiramdam ng bata at base sa findings ay nagkaroon siya ng dengue.

“Gagawa ng history-taking that will be focused on immunization… do a mandatory reporting of all hospitalized cases of vaccinees regardless of the symptoms,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Dagdag ng DoH, isang opsiyon ang pagbawi ng ibinayad na P3 bilyon, kapag napatunayan na may itinagong mahalagang impormasyon ang manufacturer.

Kung matatandaan, ayon sa Sanofi Pasteur, nasa grade 1 at 2 ang lag-nat, sakit ng kasukasuan, pasa, at bleeding ang severe dengue na nakita nila sa pag-aaral.  Wala anila silang nakitang grade 4 o dengue shock.

Ngunit sagot ng DoH, wala silang binanggit na sintomas ng grade 4 ng severe dengue.

Dagdag ni Duque, ang mga batang inoobserbahan ng Sanofi ay nasa controlled environment ngunit paano aniya ang mga batang nasa malalayong lugar.

Samantala, inihayag ng World Health Organization (WHO), sinusuportahan nila ang DoH sa desisyong itigil muna ang pagbabakuna.

Inilinaw ng WHO, ang lumabas na position paper nila noong panahong iyon ay hindi nagsasaad ng rekomendasyon sa mga bansa na isulong ang bakuna sa kanilang national immunization programs.

Bagkus ay nagbigay sila ng mga puwedeng isaalang-alang kung isasagawa ang pagbabakuna o hindi.

Sa position paper ng WHO, nasunod ng Fi-lipinas ang mga kondis-yon ngunit nauna na ang pagbabakuna bago pa lumabas ang kanilang abiso.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *