MINOMONITOR ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nagaganap na wildfire sa Ventura County at Los Angeles County sa California na posibleng makaapekto sa 100,000 miyembro ng mga Filipino community doon.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, dapat i-monitor ang sitwasyon ng mga Filipino sa apektadong lugar kaugnay sa sunog at makinig sa payo ng mga awtoridad doon at maging handa sa paglikas kung kinakailangan.
Habang ayon kay Philippine Consul General Abet Angelito Cruz, mahigit 27,000 katao ang inilikas mula sa Ventura Country at isinailalim sa state of emergency ang lugar, makaraan maapektohan ang 45,500 acres at puminsala ng 150 gusali at kabahayan.
Pinayohan ni Cruz ang mga kababayang Filipino na sakaling maa-pektohan sila ng sunog ay maaari silang makipag-ugnayan agad sa Consulate Generals office upang mabigyan ng kaukulang tulong. (JAJA GARCIA)