Monday , December 23 2024

72-anyos pari itinumba sa Nueva Ecija

BINAWIAN ng buhay ang isang pari makaraan pagbabarilin ng mga lalaking nakamotorsiklo sa Jaen, Nueva Ecija, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Fr. Marcelito “Tito” Paez, 72-anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinundan ang sasakyan ng biktima ng apat lalaking sakay ng dalawang motorsiklo at pinagbabaril.

Dakong 7:45 pm, natagpuan ang sasakyan ni Paez na tadtad ng tama ng bala.

Agad dinala ang biktima sa Gonzales General Hospital ngunit nalagutan ng hininga pasado 10:30 ng gabi.

Ayon sa kapatid na si Ceferino, wala siyang maisip na may nakaaway o nakasamaan ng loob ang biktima.

“Okay naman siya saka marami siyang kaibigan,” aniya.

Nananatili umano sa retirement home sa bayan ng Santo Domingo ang pari at naiimbitahan na lang para magsagawa ng misa sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay PO1 Alexander Carlos ng Jaena police, nakakausap pa ang biktima habang dinadala sa ospital.

“Nagbiro pa nga raw si father. Wala naman si-nabing nakaaway o naiisip na may galit sa kanya,” sabi niya.

Bago maganap ang insidente, tumulong si Paez para mapalaya ang political prisoner na si Rommel Tucay na nakakulong sa Cabanatuan City.

HATAW News Team

Palasyo sa PNP
PAGPATAY
KAY FR. PAEZ
IMBESTIGAHAN

HINDI pa itinuturing ng Palasyo na “political killing” ang pagpatay kay Fr. Marcelito ‘Tito” Paez sa Nueva Ecija kamakalawa.

“We do not know yet if this is a political killing pursuant to the definition of the Supreme Court on extralegal killings ‘no, which is a killing of poli-tical activist and a killing of journalist,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Palasyo.

Gayonman, tiniyak niya na iimbestigahan ang insidente at kapag natuklasan na pagpaslang ito sa isang aktibista, ang AO 35 ang tututok sa kaso.

“It will be investiga-ted. And if authorities decide that this is an instance of a killing of an activist, then we have AO 35 that was created precisely to investigate and prosecute these cases. So if it is determined by authorities and it is state authorities that will determine whe-ther or not it is a political killing, then it will be co-vered by AO 35,” aniya.

Base sa Administrative Order 35 (AO35), itinatag noong 2012 ang isang inter-agency committee on extralegal killings, enforced disappearances, torture agrave violations of the right to life, liberty and security of persons.

Bilang presidential adviser on human rights, tiniyak ni Roque na magsasagawa siya ng performance audit sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) at aatasan sila na magsumite ng update sa status ng mga kasong kanilang inimbes-tigahan, drug-related  o political killings man ito.

“Well, as an appointed Presidential Adviser on Human Rights, that’s one of the things that I intend to undertake ‘no to ensure that we are in discharge of our state obligation on the right to life ‘no. So I will eventually find the time to meet with the inter-agency group. I will ask for a report and I will examine the cases that they have in fact focused on. And we will agree on if there are new cases that the task force should focused on as well,” dagdag ni Roque.

Batay sa ulat, si Paez ay binaril ng dalawang lalaki habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa San Leonardo, Nueva Ecija dakong 8:00 ng gabi kamakalawa.

Si Paez ay dating pa-rish priest sa bayan ng Guimba at coordinator ng Rural Missionaries of the Philippines sa Central Luzon at aktibo sa pagsusulong ng mga usaping may kaugnayan sa human rights, mahihirap at magsasaka.

Kamakalawa ng umaga’y tumulong si Paez sa pagpapalaya sa political prisoner na si Rommel Tucay mula sa Cabanatuan Jail.

Mariing kinondena ng Roman Catholic Diocese of San Jose de Nueva Ecija ang pagpatay kay Paez na 30 taon nagsilbi sa kanila.

“He was among the pillars of Social Action Commission where he led the Justice and Peace Office with the primary goal of upholding human rights for the weak and poor laborers and farmers. We are also calling for the faithful to pray that justice be meted out for Paez’s death and for the repose of his soul,” saad sa kalatas.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *