Saturday , November 16 2024
fire dead

1 patay, 200 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Davao

ISA katao ang patay habang 200 pamilya ang nawalan ng bahay sa naganap na sunog sa Pag-Asa, Brgy. 5A Bankerohan, Davao City, nitong Miyerkoles ng umaga.

Sa ulat, nahirapan ang mga bombero na makapasok sa lugar dahil masikip ang kalsada  na nagresulta sa pagka-tupok ng 100 bahay sa Purok 6A at 6B ng nabanggit na barangay.

Umabot ang sunog sa task force alpha dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa kabahayan na pawang yari sa light materials. Nagresponde rin ang iba pang pamatay-sunog sa kalapit na fire stations.

Sinabi ni District Fire Marshall Fire Supt. Honey Fritz Alagano, hindi pa madetermina ang posib-leng sanhi ng sunog. Hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan ng isang residenteng iniulat na namatay sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *