Monday , December 23 2024

Sanya Lopez, thankful sa mga blessings ngayong 2017

NAGPAPASALAMAT ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa magagandang nangyayari sa kanyang showbiz career. Buhat nang madiksubre ng namayapang Master Showman na si German Moreno sa Walang Tulugan na mainstay ang nakatatandang kapatid na si Jak Roberto, nagtuloy-tuloy na ang career ni Sanya.

Una muna siyang sumabak sa mga supporting roles sa iba’t ibang afternoon series ng GMA Network tulad ng Dormitoryo, The Half Sisters at iba pa. Hanggang  dumating ang kanyang biggest break sa remake ng Encantadia at matoka sa dalaga ang papel na Danaya.

Ngayon ay napapanood siya sa drama series na Haplos kasama sina Rocco Nacino, Pancho Magno at Thea Tolentino, tuwing 4:15 pm, pagkatapos ng Impostora. Ipinahayag ni Sanya ang kaunting background ng kanilang drama series.

“Tungkol ito sa isang babae na may gift and iyong gift na iyon, doon umiikot ang story ng serye. Iyong gift na ‘yun, ga­gamitin niya po para sa kabutihan and iyon ‘yung dapat nilang abangan dito,” saad ni Sanya na gumaganap sa Haplos bilang si Angela.

Inusisa rin namin siya kung sino pang mga artista ang gusto niyang makatrabaho and why? “Idol ko po kasi sina Marian Rivera at Jennilyn Mercado, kaya wish ko na makasama sila sa future projects. Sa actors naman, sina Alden Richards at Dingdong Dantes.”

Ano ang kanyang dream role or dream project? “Ang dream role ko po ay maging babaeng superhero, sayang nga lang at iyong Darna is nasa kabilang network,” nakangiting saad ni Sanya. Patuloy niya, “And sana, mabigyan ako ng role na very challenging, para mailabas ko rin po ang aking acting skills.”

Nabanggit din niya ang labis na pasasalamat sa mga dumarating na blessings sa kanya. ”Thankful po ako sa sa blessings, ramdam ko po talaga ang overflowing ng blessings. Kaya last August na nag-birthday ako, parang gift ko sarili ko ‘yung Everest. Bukod sa mga project na ibinibigay sa akin ng GMA-7, after Encantadia.

“Isa pang malaking pangyayari sa career ko this year nang na-nominate po akong Best Actress sa Star Awards for TV. Ma-nominate lang at maihanay sa  magagaling na actress natin ay sobrang happy na po ako and malaking blessing po talaga sa akin iyon. Plus, bukod sa na-nominate po akong Best Actress, kinuha rin ako para maging endorser ng Bench, Oppo, at Zanea Shoes. Kaya nakatataba talaga ng puso ang mga bagay na ito,” wika ni Sanya.

RALPH ROXAS, TAMPOK
SA PELIKULANG
SIKRETO SA DILIM

TAMPOK ang child actor na si Ralph Roxas sa Sikreto Sa Dilim (Secret In The Dark), isang suspense-drama full length film na recently ay nakamit ang Independent Achievement Award sa International Film Festival Manhattan 2017 na ginanap sa New York City, USA.

Si Ralph ay 12-year old na newcomer at Grade 7 sa Ateneo. Hilig niya ang pag-aartista kahit na noong mas bata pa siya. “It’s my first role po, but I really like to act po. Siguro, around 6 or 7 po ako nang naisip ko na gusto kong mag-artista.”

Ano ang role mo rito and tungkol saan ang pelikula? “Bale, I’m the young Angelo po na paglaki ko po, magiging si kuya Akihiro Blanco. Iyong Sikreto Sa Dilim, It’s about domestic violence po and social awareness. Isa pong suspense-thriller movie.”

Mula sa RM8 Films Entertainment Productions at Sonza Entertainment Productions, ipapalabas sa mga sinehan ang Sikreto Sa Dilim very soon. Bukod kay Ralph, tampok sa pelikula sina Akihiro, Dianne Medina, Lovely Rivero, Kikay Mikay, Ricardo Cepeda, at Mike Magat na siya ring director nito.

Ano ang masasabi mo sa mga co-stars mo rito? “Talagang napakagaling po nila, si Ms. Lovely po, talagang wala po akong masabi sa kagalingan niya po. Si direk Mike of course po, inalalayan niya po ako. Kasi po sa kanya ako nag-workshop, he train me po sa pag-iyak and sa mga ganoong bagay po,” ani Ralph.

Executive producers ng Sikreto Sa Dilim sina Mr. Ramon Roxas at maybahay niyang si Mrs. Myra Roxas. Sila mismo ang nagpunta sa New York upang tanggapin ang award ng kanilang pelikula, kasama sina Direk Mike at Ralph.

Si Mr. Roxas na isang successful businessman mula Pateros City, ay labis na natutuwa at proud sa naturang pagkilala, lalo’t ito ang unang pagkakataon na sumabak siya sa paggawa ng pelikula bilang executive producer. “It gives me great happiness and inspiration that even though I’m just new in the industry as a producer, our film was recognized with this award in an international festival,” pahayag niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *