SINIGURO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), handa silang magbigay ng ayuda sa mga pasahero sakaling magkaroon nang biglaang transport strike.
Ito’y makaraan ianunsiyo ng transport group PISTON, na iliban ang kanilang planong tigil-pasada sa 4-5 Disyembre.
“We will remain in our monitoring mode, we will not deactivate our JQRT (Joint Quick Response Team) … we have directed our enforcers to check the terminals of Piston, as well as their routes,” ani LTFRB Spokesperson Aileen Lizada.
Ayon kay Lizada, mayroon nakahandang 31 sasakyan at 22 pribadong bus ang gobyerno para sa mga pasaherong maaapektohan ng tigil-pasada.