Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Lalaking naglaro ng ari tiklo sa lady cop (May tulo o buni?)

INARESTO ang isang lalaki na sinabing naglaro ng kanyang ari sa harap ng isang babaeng pulis habang lulan ng isang pampasaherong bus sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Nabatid sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Ching Carreon, 34, empleyado ng Maynilad.

Sakay si Carreon ng isang pampasaherong bus, mula Bocaue, Bulacan patungong Maynila, ngunit habang nasa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue sa Brgy. Ba-lingasa, sinabing inilabas at pinaglaruan ang kanyang ari sa harap ng isang babae at dalawa niyang babaeng anak.

Nagkataong ang naturang babae ay si PO2 Marites Ramos ng Women and Children’s Protection Desk ng Manila Police District Station 10.

Ayon kay Ramos, napansin nila si Carreon na panay ang kalikot sa kanyang shorts sa mismong tapat ng kanyang ari. Nagulat na lamang sila nang umano’y ilabas ni Carreon ang kanyang ari.

Agad kinompronta ni Ramos ang suspek. Nagkataon may nagpapatrolyang mga tauhan ng Quezon City Police District Station 1 kaya agad niyang ipinaaresto ang suspek.

Sa presinto, itinanggi ni Carreon na tangka niyang bastusin ang babaeng pulis at ang mga anak ni Ramos.

Giit niya, nagkakamot lamang siya dahil may buni umano ang kanyang ari.

Kakasuhan ang suspek ng unjust vexation.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …