Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Huling pagkilos ng kaliwa

MATAPOS langawin ang isinagawang kilos-protesta ng grupong dilawan at kaliwa nitong nakaraang Bonifacio Day, muling tatangkain ng nasabing mga grupo na makakuha ng malawak na suporta ng bayan sa paggunita ng International Human Rights Day sa Disyembre 10.

Kung tutuusin, ito ang huling aktibidad ng pagkilos na isasagawa ng grupong dilawan at leftist groups sa taong ito. Ibubuhos ng mga grupong sa International Human Rights Day ang lahat ng kanilang lakas para tuligsain ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Asahan ang mga taga-oposisyon tulad nina Bam Aquino, Risa  Hontiveros, Frank Drilon, Kiko Pangilinan at ilan pang sagad-sagaring anti- Duterte politicians ang makikita sa isasagawang demonstrasyon sa darating na Disyembre 10.

At siyempre, ang mga dogmatikong grupo ng mga kaliwa na pawang mga alagad ng matandang huklubang si Jose Maria Sison alyas Armando Guerrero ay hindi mawawala sa paggunita ng International Human Rights Day.

Tiyak na tatangkain ng nasabing mga grupo na maitampok ang sentro ng kanilang propaganda hinggil sa Extrajudicial killings (EJK) ng kasalukuyang administrasyon. Asahan rin ang mga slogan pati na ang mga magsasalita ay sesentro sa usapin ng kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyon.

Pero nakatitiyak tayong hindi ito kakagatin ng taongbayan.  Mabibigo ang bulok na propaganda ng mga dilawan at leftist group.  Matibay na batayan ng suporta ng bayan kay Digong ang mga survey na naglabasan kamakailan na nagsasabi na patuloy ang kanilang paniniwala sa pamamalakad ni Digong.

Desperado ang leftist group na masira nila ang administrasyong ito. Nawalan ng ‘delihensiya’ ang pangkat ni Joma matapos pormal na ibasura ng pangulo ang peace talks. Bandido o terorista nang maituturing ang NPA na walang ginawa kundi ang mangikil sa mga kanayunan at tambangan ang mga pulis na nagbabantay ng kaayusan at katahimikan.

Tulad ng mga makakaliwang grupo, despe­rado na rin ang oposisyon. Kung ano-ano na ang kanilang ginagawa para lamang sirain si  Digong pero hindi ito tumatalab sa taongbayan. Suportado pa rin ng mamamayan si Digong.

Sa paggunita ng International Human Rights day, walang nararapat na gawin kundi kondenahin ang ginawang pagmamalupit ng mga NPA sa mga mamamayan sa kanayunan gaya ng kanilang pangingikil, mga pagpatay at panlilinlang sa mga magsasaka at mamamayan.

Hindi magtatagumpay ang gagawing demons­trasyon ng mga dilawan at kaliwa. Gasgas at luma na ang kanilang mga slogan.  Nakauumay na ang mga pinagsasabi at hindi na ito pinaniniwalaan ng taongbayan.

Sa paggunita ng International Human Rights Day magiging kapani-paniwala ang mga demons­trador kung kokondenahin ang pagmamalabis ng mga berdugong pulang mandirigma.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …