Tuesday , December 24 2024

Deputy Omb ng Visayas pabor sa iilan

PINAGDUDUDAHAN at nababahiran ng kontrobersiya ang tanggapan ni Deputy Ombudsman for Visayas Paul Elmer Clemente dahil sa inirereklamong kawalan ng aksiyon sa mga nakasampang kaso sa kanyang opisina.

Matatandaan, nitong nakalipas na buwan ng Nobyembre ng kasalukuyang taon, nagbanta si dating Negros Oriental representative Jacinto Paras at ang abogado na si Manuelito Luna na sila ay magsasampa ng kasong Grave Misconduct and Gross Neglect of Duty kay Clemente sa Office of the President.

Ang aksiyon nina Paras at Manuelito laban kay Clemente ay matapos tumangging humarap sa kanila para i-update sila sa kaso ni Negros Oriental representative Jocelyn Limkaichong na nahaharap sa kasong administratibo.

Dahil dito, lumalabas na mayroon umanong pinapaboran si Clemente sa mga kasong nakasampa sa kanyang opisina na ang ilan ay may kinalaman sa politika.

Matatandaan, agad dinesisyonan ni Clemente ang kasong isinampa laban kay Negros Oriental Governor Roel Degamo habang ang kaso ni Limkaichong ay nanatiling nakabinbin sa kanyang opisina.

Noong 2013 sinampahan nina Alberto Sabanal, Edwin Roda at Nelson Libato ng kasong Plunder at Malversation of public Funds si Limkaichong at asawang si Lawrence Limkaichong ngunit dahil sa impluwensiya nila, bunsod ng pagiging mataas na lider ng Liberal Party sa Negros Oriental, ang kaso laban sa dalawa ay ‘natulog’ umano sa tanggapan ni Clemente, dahil hindi inaaksiyonan.

Maliban dito, kahit ipinawalang sala na si Governor Degamo sa unang kaso na isinampa ni June Vincent Manuel Gaudan na ibinasura ng Court of Appeals (CA) ay muling tinanggap ni Clemente ang reklamo ni  Board Member Jessica Jane Villanueva laban sa gobernador samantala parehong isinampa ito ni Gaundan.

Si Gaundan ay kilalang malapit kay Limkaichong at nagtrabaho rin bilang Legislative Officer IV sa House of Representatives habang si Villanueva ay kilalang kaalyado ng mambabatas.

Nakalilito rin ang paglabas ng Ombudsman sa dalawang resolution na ang una ay convicted si Degamo sa graft and corruption at grave misconduct habang ang ikalawa ay nagpapawalang-sala sa kanya sa kahit anong administrative charges pero pilit na binubuhay ng kalaban sa politika ng gobernador.

Nakapagtataka rin ang agarang paglalabas ng kautusan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales laban kay Degamo na sampahan ng kaso ang gobernardor sa Sandiganbayan kahit kulang ang mga ebidensiya laban dito.

Dahil dito, malinaw na mayroong pinapaboran ang Ombudsman sa mga kasong nakasampa sa kanilang tanggapan partikular si Clemente kung kaya’t napilitan si Paras na sampahan ng kaso sa Malacañang.

Si Paras ang nagsampa ng kaso kay Ombudsman Morales, Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang at maging kay Ex- Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista.

Duda ang mamamayan ng Negros Oriental kay Clemente na mayroon siyang pinapaborang mga politiko kung kaya’t nanawagan din sila sa palasyo at kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na umaksiyon para mapatalsik sa puwesto ang Ombudsman for Visayas.

Kung magkakagayon umano, maaalis din sa posisyon ang mga politiko sa kanilang lalawigan na sangkot sa kuropsiyon.

Isa sa mga pangako ng Pangulo ay kanyang wawakasan ang graft and corruption sa panahon ng kanyang administrasyon, sinabing sasampahan ng kaso ang mga personalidad na sangkot sa katiwalian.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *