Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

5 sugatan sa trailer truck vs UV express

PAWANG sugatan ang apat pasahero at driver ng isang UV express makaraan banggain ng isang trailer truck sa kanto ng Taft at Ayala avenues sa Maynila, dakong 4:00 am nitong Linggo.

Ayon sa ulat, tumagilid at nawasak ang van, at basag ang mga salamin.

Salaysay ng mga saksi, mabilis ang takbo ng truck at “beating the red light” pa.

Ayon sa isang pasahero, 11 segundo pa lamang na naka-go ang lane nila nang sumalpok ang truck.

Saglit na huminto ang truck ngunit dumeretso ng takbo.

Naharang siya sa kanto ng UN at Quirino avenues kaya kusa nang sumuko sa mga pulis. Agad siyang dinala sa Manila Traffic Bureau para imbestigahan.

Samantala, bahagyang na-tagalan ang pagsagip sa mga sugatan.

Halos isang oras bago dumating ang rescue teams.

Nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga pasahero at driver ng van na pawang dinala sa Ospital ng Maynila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …