Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jennylyn, ibinalibag ni Derek sa kama

MAS todo ang love scene ngayon nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado para sa filmfest movie nila na All of You na prodyus ng Quantum FilmsMJM Productions, Globe Studios, at Planet Media Productions.

Natawa na lang si Derek nang tanungin kung ibinalibag ba niya sa kama si Jen.

Mas mapangahas at mas mature ang pagbabalik sa big screen ng winning tandem nina Jen at Derek. Ito ang pinaka-romantikong pelikula sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Sa TV naman, wala pang bagong serye si Jen sa GMA 7. Baka next year na.

Tinanong din namin kung willing na ba siyang maka-partner si Alden Richards dahil naudlot ‘yung pinagsamahan nilang My Love From The Star.

“Bakit hindi?! Ako naman, wala namang isyu sa akin, eh. Kung ano ang ibigay ng management, ng GMA, eh tatanggapin ko. Never naman akong namili o tumanggi. Kung ano ‘yun, tatanggapin ko, trabaho ‘yun eh, blessings,” pakli niya.

Balita ring gagawa ng microfilm sina Jennylyn at JM De Guzman na ire-release online. Ano ang reaksiyon niya sa pagka-comeback ni JM?

“Alam niyo sa totoo lang, masaya ako na nakabalik na si JM. Isa siya sa pinakamagaling na actor para sa akin. Happy ako na okey na siya. Nandito lang kami para suportahan siya.

“Kahit na ‘yung shoot na ginawa namin na ang simple, masasabi ko na isa siya sa pinakamagaling,” pakli ni Jen.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …