Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, Matt Evans at iba pa, rarampa sa Beautederm Fashion Show For A Cause

MAGKAKAROON ng Beaute­Derm Fashion Show For A Cause na magaganap sa December 5, 2017, 6:00 pm, sa SMX Concention Center, SM Lanang Premiere sa Davao City. Ang makabuluhang event ay tatampukan nina Ms. Sylvia Sanchez at Matt Evans.

Bene­ficiary ng naturang fashion show ang House of Hope Foundation for Kids with Cancer Incorporated. Ang natu­rang fashion show ay bahagi ng pagsi-share ng blessings ni Ms. Rei Ramos Anicoche Tan, Chief Executive Officer at owner ng BeauteDerm.

“Bale ang magiging beneficiary nito ay mga cancer patients na kids, ‘yung House of Hope Foundation for Kids with Cancer Incorporated. Dati na rin kasi tayong umaalalay sa mga ganyan,” pahayag ni Ms Rei nang amin siyang makapanayam.

Sina Ms. Sylvia at Matt ay rarampa rin ba rito? Bakit niya naisipang gawin sa Davao ang event na ito?

Pahayag ni Ms. Rei, “Opo, rarampa rin dito sina Ate Sylvia at Matt. Ang endorsers ng BeauteDerm ay rarampa rin po rito.

“Iyong iba ay nandoon sa Mindanao, mga Beautederm babies talaga, beauty queens ang nasa Mindanao, mayroon din mga politician na kasali rito. At lahat ng sasali sa fashion show na ito ay users talaga ng Beauterderm.

“Isa pa, marami na rin po kasi tayong clients sa Minda­nao, kaya roon ko napili na ganapin itong ating big event.”

Bale, sino-sino po ba ang endorsers ng BeauteDerm? Sagot ni Ms Rei, “Bale ito po ang babies ko, Sylvia (San­chez), Matt Evans, Carlo Aquino, Jimwell Stevens, Shyr Valdez, Yayo Aguila, Jaycee Parker, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Maricel Morales, Alex Castro… Kasama rin sa rarampa si Ann Feo.”

Kayo po ba ay rarampa rin dito? Nakatawang sagot niya, “Ay hindi po, ia-award ko lang iyong check sa foundation.”

Bukod sa rampahan ng celebrities, magkakaroon dito ng song number si Luke Mejares.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …