Tuesday , December 24 2024

21 NDF consultants tinutunton ng AFP

SINISIKAP nang tuntunin ng militar ang kinaroroonan ng 21 consultants ng communist-led National Democratic Front (NDF) na pinalaya noon ng korte upang lumahok sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno.

Sinabi ni Colonel Edgard Arevalo, public affairs office chief ng  Armed Forces of the Philippines (AFP), wala pa silang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng nasabing consultants.

“Sa ngayon wala pa tayong information tungkol sa kanilang location. Hindi ko masagot right now ‘yung information tungkol diyan but meron tayong mga effort to locate them,” aniya, idinagdag na hinihintay pa nila ang specific instructions kung ano ang dapat nilang gawin.

“We are awaiting any specific guidance sa atin kung kailangan nang muli silang dakipin ayon sa mga umiiral na order ng ating mga korte,” aniya.

“We are going to await any further instruction tungkol dito but ‘yung monitoring ginagawa natin. Mino-monitor natin kailangan natin gawin so that at that time na meron nang instruction, may specific order to arrest them, saka sila hahanapin, we have to be proactive in our actions,” dagdag niya.

Magugunitang tinapos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa rebeldeng komunista at kinansela ang itinakdang pakikipagpulong.

“Recent tragic and violent incidents all over the country committed by the communist rebels left the president with no other choice but to arrive at this decision. We take guidance from the President’s recent announcements and declarations,” ani Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kinansela ng Pangulo ang pakikipag-usap sa NDF. Ginawa niya rin ito noong Pebrero at Hulyo. Nitong Oktubre, sinabi ni Duterte na nais pa rin niyang makipag-usap sa mga rebelde.

Samantala, nitong Agosto, hiniling ni Solicitor General Jose Calida sa ilang korte ang pagkansela sa bail bonds at order of arrest sa NDF consultants na nahaharap sa kasong kriminal.

Aniya, ang conditional release na ipinagkaloob sa kanila ng mga korte ay para lamang sa layunin ng usapang pangkapayapan, kabilang ang backchannel talks.

Kabilang sa NDFP consultants na pinalaya makaraan maglagak ng piyansa ay sina Communist Party of the Philippines-New People’s Army leaders Benito at Wilma Tiamzon, kapwa nahaharap sa kasong multiple murder at kidnapping sa Manila at Quezon City regional trial courts.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *