Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Norwood pinarangalan (Sa 10-taon manlalaro ng PH)

BILANG pagtanaw sa kanyang 10-taon representasyon sa bandila, pinarangalan si Gabe Norwood ng Gilas Pilipinas kamakalawa matapos ang pagwawalis ng koponan sa unang window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa pangunguna ni Coach Chot Reyes at ng mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas gayondin ng Presidente ng Chooks-to-Go na si Ronald Mascariñas na chief backer ng Filipinas, binigyang-pugay ang 32-anyos na si Norwood sa ginanap na dinner party kamakalawa sa Barrio Fiesta matapos ang 90-83 panalo nila kontra Chinese Taipei sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Lubos ang pasasalamat ni Norwood na hindi lubusang maisip na 10 taon na ang nagdaan mula nang una niyang pagsilbihan ang bayan sa pamamagitan ng paglalaro para sa pambansang koponan sa basketbol.

“It’s humbling, very humbling. I can’t believe it’s been 10 years right? It’s just an honor to be a part of this team, part of this group,” ani Norwood.

Noong 2007, ang noon ay bagito na si Norwood ang pinakabata sa koponan ng Filipinas na ipinadala sa 2007 William Jones Cup at FIBA Asia Champioship kasama ang mga beteranong sina Asi Taulava, James Yap, Jimmy Alapag, Kelly Williams, Jayjay Helterbrand at Mark Caguioa.

Sampung taon ang nakalipas, heto ngayon si Norwood at siya nang pinakamatanda sa koponan ng Gilas na binabanderahan ngayon ng pinakamagagaling na manlalaro ng bansa na sina June Mar Fajardo, Jayson Castro at Calvin Abueva.

“The young guys are awesome. They bring a lot of energy to this team. They are not just the future of Gilas but also the future of Philippine basketball,” dagdag ni Norwood.

Ngunit inamin ng beteranong swingman ng Rain or Shine na maaari’y malapit na rin matapos ang kanyang paglalaro sa Filipinas upang magbigay-daan sa mga bagong Gilas.

“Time is undefeated so I’m just here, trying to enjoy every moment.”

Nakatanggap din si Norwood ng P60,000 mula sa Chooks-To-Go bilang parangal.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …