KINAPOS nang ilang seasons ang Star Hotshots kaya nagpahiyang muna sila sa pangalan.
Sa darating na Philippine Basketball Association, (PBA) Philippine Cup season sa susunod na buwan, ibabandera ng Purefoods franchise ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok.
Ayon kay team manager Alvin Patrimonio, tuwing magpapalit ng pangalan ang kanilang team ay nagkakampeon sila agad.
“Challenge ito for the team, kasi every time na nagpapalit ng name, nagcha-champion,” saad ni former PBA four-time Most Valuable Player, (MVP) Patrimonio kahapon sa naganap na press launch sa Ynares Sports Arena. “It’s an exciting season again with a new logo and a new team name.”
Noong 2012, nagpalit ng pangalan ang team, nagkampeon agad dala ang B-Meg Llamados sa Commissioner’s Cup, sunod ang San Mig Super Coffee at nag-grandslam sila noong 2014 season.
Na-pressure pero tinanggap ni Hotshots coach Chito Victolero ang challenge ni Patrimonio.
“Prinessure mo naman kami agad, boss Kap,” nakangiting sabi ni Victolero kay Patrimonio. “It’s a new challenge, hindi lang sa akin but sa staff and the players. Tinatanggap namin yung challenge na ‘to, and we’re working hard. Para ma-improve ang team natin.”
May 13 titulo ang Purefoods sa PBA.
(ARABELA PRINCESS DAWA)