Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James ejected (Sa kauna-unahang pagkakataon)

SA 1,081 salang sa regular season ng  National Basketball Association, hindi pa napapaalis sa laro si LeBron James.

Ngunit natapos na ang streak na iyon nang mapatanggal niya sa kanyang ika-1082 laro at ika-1299 kung isasama ang playoffs sa kalagitnaan ng kanilang 108-97 panalo kontra Miami Heat kahapon sa umaatikabong 2017-2018 season.

Sa 1:56 marka ng ikatlong kanto kung kailan lamang ang Cavs, 93-70 kontra sa Heat, nasaksihang nagpakawala ng suntok sa hangin si James at kinompronta ang referee na si Kane Fitzgerald na nagresulta sa kanyang dalawang magkasunod na technical tungo sa ejection.

Sa kabila nito, nagtapos pa rin si James na may 21 puntos, 12 rebounds, 6 steals at 5 assists sa ika-9 na  sunod na panalo ng Cavs. Ikatlo  na ngayon ang Cleveland sa Eastern Conference sa 14-7 kartada matapos ang maalat na 5-7 simula.

Humalalili si Kevin Love sa kanyang kakampi sa pagkayod ng 38 puntos at 9 na rebounds sa 25 minuto lamang.

Sa iba pang resulta ng NBA, tinusta ng Suns ang Bulls, 104-99, umeskapo ang Wizards sa Timberwolves, 92-89, binaon ng Jazz ang Nuggets, 106-77 at tinambakan ng Bucks ang Kings, 112-87.

Sa mga laro ngayong araw, babalikwas ang Miami sa New York, babawi rin ang Phoenix sa Detroit, maghaharap ang Oklahoma at Orlando gayondin ay magsasagupa ang Washington at Philadelpia.

Magsasalpokan ang Hornets at Raptors, Rockets kontra Pacers, Wolves at Pelicans, Nets at Mavericks gayondin ang Spurs-Grizzlies at Warriors-Lakers. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …