Tuesday , December 24 2024

STL bilyones kung kumita para sa medical care (Ayon kay PCSO GM Balutan)

MULTI-BILYON ang kinikita ng Small Town Lottery para sa mahihirap.

Ito ang matapang na pahayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan sa kanyang mensahe kay Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang kaugnay sa komento na i-regulate ang STL operations sa kanyang lalawigan.

“We strengthened the law by crafting a new Implementing Rules and Regulations (IRR) that breaks the monopoly of gambling lords who do not pay taxes that continue to undermine the government and corrupt the many,” pahayag ni Balutan.

Si Balutan kasama si PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz, ay itinalaga sa ahensiya ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 2016.

Sa kasalukuyan, mayroong 92 aprobadong Authorized Agent Corporations (AACs) na nag-o-operate ng STL sa buong bansa mula sa dating 18 sa nakaraang administrasyon.

Sa bilang na 92, 82 rito ang nag-o-operate na, habang ang iba ay hindi pa nagsisimula, maaa-ring bago matapos ang kasalukuyang taon.

Nauna rito, sinabi ni Dayanghirang, ang STL outlets ay nagsulputang parang kabute sa lalawigan at inilagay malapit sa mga paaralan, simbahan at sa mga highway.

Ang paglaganap ng STL outlets, ayon sa provincial government, “encouraged the culture of gambling among residents while adversely affecting the province’s image.”

Ngunit sinabi ni Ba-lutan, ang STL ay responsible gaming hindi katulad ng jueteng at kauri nito na nagsusulong ng “unregulated and excessive gambling” na naging dahilan ng korupsiyon.

Paliwanag niya, ang jueteng ay naging kalakaran sa buhay ng mga Filipino mula pa noong panahon ng mga Kastila. Tinangka itong pigilan ng nakaraang administras-yon ngunit nabigo.

“Since everybody was in agreement that it can’t be eradicated, Congress passed a law in 2006 Republic Act 1169, to regulate these illegal numbers game through STL,” ayon kay Balutan.

“Without STL, local government officials failed to stop the prolife-ration of the illegal numbers games in their areas of responsibilities, and now they question the presence of STL outlets?” dagdag niya.

Nitong Oktubre, ang STL ay kumita ng  P1.7 bilyon mula sa P1.5 bilyon nitong Setyembre. Ang kita sa STL ay maaaring tumaas sa P15 bilyon sa pagtatapos ng Nobyembre.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *