Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin Padilla, bilib na bilib sa energy ni Joshua Garcia!

Sa press conference ng Unexpectedly Yours, Robin and Sharon were asked if they still remember the first time that they were in love.

Sagot ni Robin, hanggang ngayon daw ay po nai-in-love pa rin daw siya.

“Ang maganda riyan,” he said looking at Joshua who was smiling sheepishly, “tingnan na lang natin si Joshua.

“Kasi, sa kanya ako kumukuha ng energy, e. Buhay na buhay itong batang ito.”

Idinagdag ni Robin, ‘yung love story raw nina Julia at Joshua, hindi talaga niya alam. Pero sa shooting nila, masarap daw tingnan silang dalawa. Napakaraming alaala raw ang tumatakbo sa kanyang isipan.

At this juncture, Sharon had inadvertently revealed the real score between Julia and Joshua.

“Mahal na mahal nila ang isa’t isa,” she said in earnest.

Anyway, being innately romantic, tinanong si Robin kung ano ang maipapayo niya kay Joshua, who is delineating the role of his nephew in this movie.

Payo ni Robin kay Joshua, huwag na huwag raw mabubuhay sa nakaraan.

Huwag raw problemahin ang kinabukasan at ang ‘tamis’ ng kasalukuyan ang dapat i-relish.

“Kailanman ay huwag mong problemahin ang kinabukasan,” Robin asseverated, “‘yan ang advice ko sa ‘yo.

“Kung ano itong meron ka na nararanasan mo sa kanya, tamisan nang tamisan mo pa.”

Joshua wholeheartedly agreed.

“Parang tumugma nga ang lahat,” he admitted. “Ako kasi ‘yung tao na overthinking.

“Oo, parang masyado akong excited sa mangyayaring kasunod, hindi ko ini-enjoy kung ano ang meron ngayon. Kaya thank you po.”

Anyway, bagama’t pahapyaw na ngang ibinuking nina Robin at Sharon ang real score ng relasyon nina Joshua at Julia, no confirmation came from the two. Instead, sinabi lang nilang unexpected raw ang kanilang pagtatambal.

“Sabi ko nga sa kanya,” came Joshua’s pronouncement, “unexpected ko siyang naging ano… Unexpected ko siyang naging kapares. ‘Di ba, kasi nandito ka (sabay taas ng kamay), nandito ako (ibinaba ang kamay).”

On Julia’s part, she answered truthfully, “I’ll be very honest, this was very unexpected, but this is one of Lord’s biggest blessings to me. In God’s perfect time talaga.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …