Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Painting ni actor nakamatayan na, ‘di pa nababayaran ni beauty queen turned actress

NAKAMATAYAN na pala ng isang aktor ang ‘di pa nababayarang painting niya na ibinenta ng isang kontrobersiyal na beauty queenturned-actress.

Ito ang mismong himutok ng aming nakausap na bale tiyuhin ng isa sa mga anak ng namayapang actor. Kuwento niya, ”Ano ba naman ‘yang hitad na ‘yan, namatay at namatay ‘yung ama ng pamangkin ko, pero maano ba namang isauli na lang niya ‘yung mamahaling painting niyong tao? Hindi, eh. Ang nangyari, ibinenta pa niya! Natural, ibinulsa na niya ‘yung pinagbentahan niyon!”

Ino-audit daw kasi ng mga naiwang anak ng aktor ang mga naiwang propyedad ng kanilang ama, at isa nga roon ay ang mamahaling work of art na baka daang libong piso ang halaga.

“Kaya noong makita ko ang hitad na ‘yon sa TV na lumabag sa batas kamakailan, naalala ko tuloy ‘yung atraso niya! Pa-Ingles-Ingles pa ang hitad sa kapapaliwanag, eh, halata namang law breaker siya! Hayun, na-revoke tuloy ang lisensiya niya!” sey pa ng aming source.

Kailangan pa bang tukuyin ang dating beauty queen na pumalaot sa showbiz na itago na lang natin sa alyas na Marina Isadora Lope.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …