Saturday , December 21 2024

Justice De Castro inaasahang dadalo (Sa Sereno impeachment)

POSIBLENG dumalo sa araw na ito (Miyerkoles) si Supreme Court Associate Justice Teresita de Castro sa impeachment hearing na isinasagawa ng House Committee on Justice laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Makaraan ang pagdinig kahapon, pinulong ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang miyembro ng komite at ibinilin na bigyan ng kaukulang paggalang si De Castro sa kaniyang pagharap.

Una nang nagpadala ng liham kay Umali sina De Castro at Associate Justice Noel Tijam, upang ipaalam na handa silang humarap sa komite para magbigay-linaw sa ilang usapin na nakapaloob sa impeachment complaint.

Sina De Castro at Tijam ay inimbitahan ng komite kaugnay sa alegasyon na binago ni Se-reno ang ilang court do-cuments nang walang konsultasyon sa en banc, at ang pagkabalam ng paglilipat ng Maute ca-ses sa Taguig court.

Maging si dating Associate Justice Arturo Brion ay handa rin tumestigo habang imbitado rin sina Court Administrator Jose Midas Marquez, SC public information office chief Theodore Te, at SC Chief Judicial Staff Offi-cer Charlotte Labayani.

Kaugnay nito, tila lumambot ang posisyon ng komite na ipaaaresto nila si Sereno sa oras na ‘di siya dumalo sa pagdinig.

Ayon kay Majority Floor Leader Rudy Fariñas, hindi kailangan maglabas ng warrant of arrest kay Sereno sakaling hindi siya sumipot. (JETHRO SINO CRUZ)

About Jethro Sinocruz

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *