INARESTO ang 11 katao makaraan maaktohan habang nagsasagawa ng liquid ecstacy party sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Siyam sa mga suspek ang nahuli sa aktong gumagamit ng droga tulad ng gamma butyrolactone o GBL, isang uri ng droga na binansagang li-quid ecstacy o date rape.
“They use the dropper and put at least 2 drops of more sa inomin and then ma-high na ‘yung gumagamit. For the syringe, maybe i-siphon nila ‘yung liquid ecstacy and they will inject it to the vein para mas matindi ‘yung tama,” ayon kay PDEA Special Enforcement Service Director Levi Ortiz.
Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, target ng kanilang operas-yon sina Edmond Remegio at Malik Coronel, na sinasabing nagbebenta ng droga sa mga bar at club sa BGC.
Ngunit tumambad sa PDEA ang siyam pang indibiduwal, kabilang ang isang physician, engineer, at ilang modelo na karamihan, ay nakapang-ibabang suot lamang.
Dagdag ni Aquino, gumagamit ng droga ang mga suspek bago sabay-sabay na magtatalik dahil epekto ng ilegal na gamot na makapagpataas ng libido.
Bukod sa isang litro ng GBL, na higit sa P300,000 ang halaga, nakuha rin sa kuwarto ang 42-piraso ng ecstacy, i-lang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.
Babala ng PDEA, mas paiigtingin nila ang operasyon sa droga sa mga high-class hotel.