Monday , December 23 2024

Pasaway na negosyante sa QC ‘di uubra kay Domingo

IKAW ba ay isang ilegal na negosyante – walang kaukulang business permit ang negosyong pinatatakbo sa Quezon City?

Kung isa ka sa tinutukoy na nagnenego­syong walang permit mula sa Quezon city Business Permit Licensing Department (BPLD) na pinamumunuan ni Ginoong Garry Domingo, naku po, mas mabuti pa siguro ay boluntaryo mo nang isara ang negosyo mo kung hindi may paglalagyan ka kay Domingo.

Pero kung ayaw mo naman magsara dahil sa malakas na kumikita ang inyong hanapbuhay, ano pang ginagawa mo riyan? Magtungo ka sa opisina ni Domingo at kumuha ng permit.

Hindi naman mahirap kumuha ng permit pero, bakit tila kinatatakutan ng ilang negosyante ang kumuha ng permit sa BPLD?

Nanghihinayang ba kayo sa mga bayarin lalo sa kaukulang singiling buwis? Huwag dahil mas lalong mawawala ang inyong negosyo kapag nalaman ni Domingo ang inyong ‘pagtatago.’

Katunayan, maraming negosyo na pinatatakbo ng mga pasaway na negosyante ang sinampolan ni Domingo. Oo, halos hindi na rin mabilang ang mga ipinasarang establisiyemento – maliit man o malaking negosyo.

Ilan nga sa mga naipasara ay gumamit ng kanilang “lifeline – call a friend” sa pag-aakalang mapipigilan nila si Domingo sa pagpapasara ngunit maling-mali sila dahil lahat sila ay hindi umubra kay Domingo.

Nitong nagdaang linggo, isa na namang negosyante ang sinampolan ni Domingo. Bukod sa ilegal ang kantina dahil walang permiso mula sa BPLD, nakatayo pa o nasasakupan ng kainan ang bangketa.

‘Ika nga ni Domingo, ilang beses na niyang ipinasara ang kainan na malapit sa isang kilalang TV broadcasting network, pero pasaway ang may-aring si Juhl joseph Tomacruz Flor.

“Ipinasara natin ito nang dalawang beses pero binubuksan pa rin nila kaya kinasuhan na natin dahil sa paglabag sa Article 21 Section 67 ng Quezon City Revenue Code,” punto ni Domingo.

Halimbawa, pagkasara ngayon ng kantina, hayun sa mga susunod na araw ay binubuksan ni Flor. Wala pa ring permit iyon ha. babalikan naman uli ito ng BPLD, isasara pero, ganoon pa rin ang ginagawa ni Flor.

Bukod dito, binabalewala rin ng pamunuan ng kainan ang magtungo sa BPLD para (sana) kumuha ng business permit o ayusin ang lahat na kinakailangang dokumento para sa operasyon ng kantina.

Kung baga, para bang nakikipagmatigasan si Flor sa BPLD o kay Domingo. Naku Sir Garry, mukhang hinahamon ang inyong kakayahan. Akala siguro’y nagbibiro lang kayo.

Sa pakikipagmatigasan ni Flor sa BPLD, kinasuhan na siya ni Domingo sa  Quezon City Metropolitan Trial Court. Pero, maging ang korte ay inis-nab ni Flor. Hindi siya sumisipot sa patawag na hearing hinggil sa kinahaharap na kasong paglabag sa ordinansa ng lungsod – ang hindi pagkakaroon ng business permit.

Hayun, sa katigasan ni Flor, nagpalabas ng warrant of arrest (bench warrant) ang korte laban sa negosyante.

Base sa record, si QC MTCBranch 35 Judge Maria Ella Cecilia Escalante ang nagpalabas ng warrant para sa Criminal Case #35-17-0668.

Katunayan, nitong nakaraang linggo, sinalakay ng BPLD kasama ang ilang tauhan ng Quezon City Police District Station 10, ang lugar ni Flor pero, mukhang may pagkapalos si Flor. Nalusutan niya ang police operation.

”Ipinasara natin ito nang dalawang beses pero binubuksan pa rin nila kaya kinasuhan na natin dahil sa paglabag sa Article 21 Section 67 ng Quezon City Revenue Code,” ani Domingo.

Nagtataka ang QC BPLD kung paano ang isang negosyo na nasa bangketa mismo ay nakakuha ng Barangay Clearance samantala mahigpit itong ipinagbabawal ng batas.

Aba’y kung magkagayon sir, isama na rin ni­yong kasuhan ang Kapitan na nagbigay ng permiso.

Pero ano pa man, hindi uubra kay Domingo ang mga negosyanteng nais takasan ang obligasyon sa gobyerno –hahabulin niya silang lahat para sampahan ng kaso. Iyan si Domingo, hindi uubra sa kanya ang mga pasaway na nego­syante sa lungsod.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *