NANAWAGAN ang Palasyo sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na mag-move on mula sa pagi-ging “Maoist” dahil atrasado na ang nasa-bing ideolohiya.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, ultimo China na pinagmulan ng ideolohiyang Maoist ay niyakap na ang kapita-lismo kaya tinitingala na ngayon bilang pinakamaunlad na bansa sa buong mundo.
“Napakatagal na po nitong labanang ito. Nasa Guinness Book of World Records na ito, ano pa ba ang gusto nila? Iyong Tsina, pinakamagaling na sa kapitalismo, Maoist pa rin sila, ano ba iyan? Kailangang umusad na. Move on. Naiwanan na kayo, iniwan na kayo ng People’s Republic of China, ano ba iyan! Kanino pa kayo magre-report? Wala na kayong pagrereportan, puro bil-yonaryo na ang member ng People’s Congress ng Tsina, naiwan na kayo,” ani Roque.
Ang China ang napaulat na pinakamala-king supporter ng CPP-NPA lalo na noong kalakasan ng kilusan noong dekada ‘70 at ‘80.
Giit ni Roque, nasa kamay na ngayon ng CPP-NPA para patunayan ang kanilang sinseridad sa pagsusulong ng kapayapaan sa bansa at hindi dapat manggaling lamang sa panig ng gobyerno.
“The ball is in the court of the CPP-NPA,” ani Roque.
Sa bisa ng Executive Order 360, ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks ngunit wala pang ibi-nibigay na notice of termination of peace talks ang gobyerno sa CPP-NPA-NDF panel hanggang sa ngayon.
Tinuldukan ni Duterte ang peace talks bunsod ng pananambang ng NPA sa mga sundalo’t pulis, pangi-ngikil sa mga negos-yante at dahil sa paninira o panununog sa mga ari-arian.
(ROSE NOVENARIO)