SINAGIP ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang Korean national nitong Linggo, na sina-sabing dinukot ng kapwa tatlong Koreano at isang Filipino.
Ayon sa girlfriend ni Lee Jung Dae, ilang lalaki na nagpakilalang mga operatiba ng Bureau of Immigration ang pumasok sa kanilang apartment at pinosasan ang biktima.
Aniya, nagpakita ang mga suspek ng warrant of arrest at mission order, nakasaad na si Lee ay may outstanding case hinggil sa paglabag sa immigration law.
Dinala si Lee ng mga kidnapper na humingi ng P1.2 milyong ransom.
Sinabi ni PNP-AKG Director Glenn Dumlao, dinala ng girlfriend ni Lee ang ransom money sa isang mall sa Angeles.
Gayonman, hindi pina-kawalan si Lee na kalaunan ay dinala sa Intramuros, Maynila at muling humingi ang mga suspek ng P1.2 milyong ransom.
Sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, ang mga Koreano ay bahagi ng kidnapping syndicate na bumibiktima ng kapwa nila Koreano, at sangkot ang ilang personnel ng Immigration BI at National Bureau of Investigation (NBI).
“Itong Cha brothers sila ang nagplano ng kidnapping at kumonek sila sa rogue nembers ng Bureau of Immigration and National Bureau of Immigration. Meron silang kasamang rogue members ng NBI at BI dito sa kidnapping na ito in the pretext na meron siyang violation sa immigration rules/laws,” pahayag ni Dela Rosa.
“Lumalabas na meron pa ta-yong hinahanap na dalawang BI agents at tatlong NBI agents. Hindi natin alam kung ito ay organic sa Angeles City or sa Region 3,” dagdag ni Dela Rosa.