Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabel Lopez binawian ng driver’s license ng LTO

TULUYANG kinansela ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng dating beauty queen at aktres na si Maria Isabel Lopez dahil sa paglabag sa traffic and security protocols nang pumasok siya sa ASEAN lane noong nakaraang buwan.

Ayon sa ulat, maaa-ring kumuha ng panibagong lisensiya sa LTO si Lopez pagkaraan ng dalawang taon.

Pinagmumulta rin siya ng P8,000 para sa nagawang tatlong traffic violations.

Binawian ng lisensiya ang aktres dahil sa kasong disregarding traffic signs, reckless driving at paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.

Magugunitang nag-viral ang video ni Lopez sa social media nang alisin niya ang harang at dumaan sa ASEAN lane na nakalaan sa mga delegado sa nakaraang ASEAN Summit and Related Meetings.

Una rito, idinahilan ni Isabel na hindi niya nais labagin ang batas ngunit naiihi na umano siya kaya niya nagawang pumasok sa ASEAN lane.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …