KINOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang tatlong super cars, kabilang ang dalawang Lamborghini at isang Ferrari, dahil overstaying na sa Manila port.
Ang tatlong mamahaling kotse ay bahagi ng P24.2 milyong halaga ng shipments na kinompiska ng BoC dahil overstay sa port at dahil sa maling deklarasyon.
Kabilang sa kinompiskang mga kargamento ang overweight steel products, na pumasok sa Manila International Container Port (MICP) mula sa Australia, United Arab Emirates (UAE), at China noong 2016 at Mayo 2017.
Ang kinompiskang mga sasakyan ay used 2012 Lam-borghini Clardo, naka-consign sa isang Allan Garcia mula sa Apalit, Pampanga; isang 2006 Lamborghini Murcielago, naka-consign sa isang Veronica Angeles, mula sa San Rafael, Bulacan; at 2005 Ferrari F430, naka-consign sa isang Mary Joy Aguanta, mula sa Villa Trinita, Cagayan de Oro.
“MICP district collector lawyer Ruby Alameda issued a warrant for seizure and detention on the cargoes because of overstaying in the container yard of ICTSI,” ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña.
Kinompiska rin ng BoC ang misdeclared shipment na natuklasang may kargang sasakyan ngunit idineklara bilang “personal effect and household goods.”