NAG-ISYU ang Department of Justice ng Immigration lookout bulletin order laban kay dating budget secretary Florencio Abad at dating public works chief Rogelio Singson kaugnay sa pagkakasangkot sa P8.7 bilyon roadway anomaly.
Sa nasabing scam, pinangunahan ng isang sindikato na nag-o-ope-rate noon pang 2009, gumamit umano ng bogus land titles sa paghingi sa gobyerno ng “right of way payment” para sa mga lugar na maaapektohan ng konstruskiyon ng national highway sa Gene-ral Santos City, pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Inaprubahan umano ni Abad ang “release of payment” para sa nasa-bing “right of way claims” na ini-request ni Singson, ayon kay Aguirre.
Sa press conference nitong Lunes, sinabi ni Aguirre, inaprubahan niya ang ILBO para sa dalawang miyembro ng Aquino Cabinet at 41 iba pa.
Iniharap din ng justice secretary sa media si Roberto Catapang, Jr., ang testigo hinggil sa sinasa-bing multi-billion peso anomaly.
Kasabay nito, iniutos ni Aguirre sa NBI na im-bestigahan ang scam kung naapektohan nito ang iba pang bahagi ng bansa.