Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, itinangging buntis

MARIING pinabulaanan ni Nadine Lustre ang kumakalat na balita na buntis siya sa kanyang boyfriend at ka-loveteam na si James Reid.

“Hindi ko po alam. Baka pagkain lang po ‘yung nasa loob ng tiyan ko,” anito habang tumatawa.

Kung kailan naman ito nagbawas ng timbang ay at saka pa siya na-issue na buntis. At ang isa nga sa dahilan ng kanyang pagpayat ay ang paggi- gym.

“Naggi-gym po ako pero hindi siya regular. Controlled eating lang po ako talaga.”

Deadma lang si Nadine sa kanyang mga basher, pero ‘pag grabe at OA na ay pumapatol din siya at nagsasalita. ”Depende. May times na deadma. May times talaga na kailangan mag-speak up ka,” aniya pa.

Sa ngayon nga ay na-eenjoy nito nang husto ang pagho-host sa It’s Showtime at marami siya ritong natututuhan. ”Relax lang, maging open ka lang sa lahat ng sasabihin mo. Siyempre nakare-relate ka sa iba’t ibang klase ng tao. Nakare-relate ako kila Vice. Natututo ako mag-host.”

LA SANTOS,  EXCITED
NANG  MAGTANGHAL
KASAMA ANG HALO

VERY excited ang mahusay na singer na si LA Santos dahil makakasama siya sa concert ng sikat na Korean boy group na Halona kinabibilangan nina Dino, Inhaeng, Ooon, Jaeyong, Heechun, at Yundong na gaganapin next year sa Araneta Center.

At sa meet and greet ng Halo na ginanap sa KPub (sa Glorietta Makati City, ay kasama si LA na kitang-kita namin kung gaano ito ka-close sa grupo dahil na rin siguro sa nakasama na ito ni LA sa Korea nang pumunta roon ang guwapong singer dahil kailangan nilang mag-rehearse para sa kanilang production number para sa promo ng nasabing Araneta concert.

Speaking of promo, mariing pinabulaanan ni LA ang kumalat na balitang ipinatanggal siya ni Willie Revillame sa production number nila ng Halo nang mag-guest sa Wowowin.

May tsika kasing hindi raw nagustuhan ni Willie ang idea na pagsamahin sa production ang Korean group at si LA na isang Pinoy.

Pero ayon kay LA, in-explain naman sa kanya ng maayos kung bakit pinagsolo na lang mag-perform ang Halo. Bibigyan na lang siya ng ibang schedule para mag-guest. Okey lang naman sa mabait na singer if hindi siya nakakanta, ang mahalaga ay nakapag-perform ang Halo na maituturing na rin nitong mga kaibigan.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …