Friday , December 27 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Joma hindi mamamatay sa sariling bayan — Duterte

MUKHANG nauubusan ng respeto sa isa’t isa sina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Ma. Sison.

Ayon kay Pangulong Digong: “I won’t allow dying Sison to return home.”

Inihayag niya ito sa San Beda College of Law alumni homecoming.

Sabi ng Pangulo,  “I will not allow him to enter his native land and that is a very painful experience especially if you’re dying and you think you should be buried in your own cemetery, in your own town.”

Tsk tsk tsk…

Mabigat na ito! Sumpaan na ito hanggang sa libingan.

E ano nga bang nangyari kung bakit nagsalitan na nang ganyan ang Pangulo?!

Samantala, noong Abril lang very sweet pang inalok ni Duterte si Joma na umuwi na, dahil masyado na siyang masasakitin.

Nitong nakaraang Enero, ipinatatanggal ni Tatay Digong sa sa Estados Unidos si Joma sa listahan ng international terrorists, para makabalik na siya sa bansa nang hindi aarestohin.

Pero ngayon, ipaaresto umano ng Pangulo kapag nagbalik sa bansa.

Masyado nang nagalit si Pangulong Duterte dahil umano sa pananambang, pang-a-ambush at pananalakay ng New People’s Army (NPA) habang may usapang pangkapayapaan ang gob­yerno at ang CPP-NPA-NDF.

Dalawang taon na lang at 50 taon na ang insurhensiya sa bansa o ‘yung tinatawag ng mga kaliwa na people’s protracted war.

Pero hanggang ngayon, tila wala pang napapatunayan ang leftist group  sa umano’y pa­kikibaka nila.

Maraming mga dating aktibista na pumasok sa politika at nakipagkawkawan sa parliamentaryo, isa ba iyon sa mga napatunayan ng CPP-NPA-NDF?

Ilang beses na nga namang nagbukas ng pa­lad si Tatay Digs sa leftists group pero parang hindi sila in good faith.

Habang ‘nagpapasarap’ ang kanilang ‘petmalu’ idol na si Joma sa Netherlands, ang mga NPA ay nasa kabundukan at nakikipaglaban.

Malayo sa pamilya, nagugutom, lahat ng hirap ay  tinitiis at ang pinakamatindi, nmaamatay sa pakikipaglaban.

At nagyon ay sila pa ang nasisisi kung bakit tuluyan nang ipinatigil ni Pangulong Duterte ang peace talks.

Tsk tsk tsk…

Ano ba talaga ang gusto ni Joma?

MAY REVOLUTIONARY
GOVERNMENT NGA BA?

MAUGONG ang balitang magtatayo ang administrasyong Duterte ng revolutionary government.

E saan ba manggagaling ang sinasabing re­volutionary government?

Sino ba talaga ang magtatayo nito?

Saan ba galing ito? Paputok ba ito ng Libe­ral Party?

Naitatanong po natin ito dahil marami ang nagsasabi na ngayon pa lang ay nag-iikot ang grupo ni Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang organisasyon at komunidad at ito ang dala-dala nilang isyu.

Magtatayo raw ng revolutionary government ang kasalukuyang administrasyon. ‘Yan ay ayon sa mga komunidad na tila naikot na ng grupo ni VP Leni.

Ibig sabihin, ngayon pa lang ay masipag na nag-iikot sa mga lugar si VP Leni kung saan mayroon silang community organizers.

Hindi ito nakapagtataka, maraming mga taga-Liberal Party ang kaalyado ng mga orga­nisasyong social democrats kaya ‘marami’ silang nalalanguyan.

Pero ang tanong ay nanatili: Sino ba talaga ang nagpapakalat ng tsismis na magtatayo ng revolutionary government, ang administrasyon o ang LP?

Ito ba ang panlaban nila sa Federalismo?!

Sana ay mayroong ilang tao sa pamahalaan na maglaan ng panahon para magpaliwanag sa mamamayan.

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *